Chapter 10

27.6K 525 11
                                    

Chapter Ten

"So what is this photoshoot all about?" Blake asked as they walk hand in hand.

Dahil malapit lang naman ang location ng photoshoot niya napagkasunduan nilang lakarin na lang ito. Besides, hinihintay pa daw ni Blake iyong binili nitong kotse. Yes, he actually purchased a car! Akala mo naman kung isang taon na silang titira ng Paris. Pwede namang mag-rent a car na lang pero sadyang maarte ito, gusto ng sarili niya talaga. Siya na ang mayaman.

"For a catalog of a certain designer." She answered.

"I see." Tumango ito. Halatang wala itong kaidi-ideya sa mga bagay na may kinalaman sa modeling world.

Napataas siya ng kilay nang bahagya nitong pisilin ang magkahawak nilang kamay. Kung paanong napunta sa holding hands while walking ang drama nila... ay hindi niya rin alam. Namalayan na lang niyang nakahawak na ito sa kamay niya at pinagsalikop pa nito ang kanilang mga daliri.

"After that shoot, may iba ka pa bang schedule for today?"

Napaisip siya. "Wala naman na. Bakit?"

"Ready for pick up na kasi iyong kotseng binili ko dito. And I am hoping if we can have a tour around the city... what do yout think?"

"A date huh?" Ay... Teka... Wait. Napaka-assuming niya talaga kahit kelan.

"Sort of." Napakamot ito sa batok. Cute!

Pakiramdam niya ay nanlaki ang mata niya. O nanlaki nga ba talaga? Ewan!

Binilisan niya ang paglalakad at halos hatakin na ito para mapabilis. Good thing she opted to wear her flat boots. "Dali. Let's get this over with. Para makapagdate na tayo."

"A little excited huh?" Nagpapahatak na lang ito sa kanya.

"Yeah right." Irap niya. Nagulat na lang siya ng maabutan na siya nito. They're on the same pace now.

Inakbayan siya nito, na mas lalong ikinagulat este ikinakilig niya. "C'mon then, let's make this fast."

Hindi niya tuloy maiwasang amuy-amuyin ito habang nasa elevator sila kahit na hawak na lang nito ang kamay niya at hindi na nakaakbay. His manly scent is addicting.

"Ianna!"

"Paul? What are you doing here?!" Gulat niyang tanong nang mabungaran ito sa location ng photoshoot niya. Bibitiwan niya sana ang kamay nilang magkahawak para bumeso kay Paul, kaso itong si Blake ayaw bitawan ang kamay niya. Mas lalo pa ngang humigpit ang hawak nito. Kaya no choice, bumeso siya sa kaibigan habang hawak parin ni Blake ang isa pa niyang kamay.

"They did some last minute change, that explains why I'm here. We'll be doing the catalog together."

"I see. That's nice!" Tumikhim si Blake sa kanyang tabi kaya napalingon siya dito. "Oh! By the way, Blake this is Paul he's a good friend of mine... and Paul this is Blake my-----"

"Boyfriend." Pagtatapos ni Blake sa sinasabi niya.

"I didn't know you have a boyfriend Ianna." He said knowingly.

Gustong-gusto na niyang irapan at sapakin si Paul. Right at this moment.
If she know, Paul is checking Blake out! Sa landi ng bading na ito at sa gwapo ni Blake, sigurado hindi nito palalampasin ang kasama niya! Wala pang pinipili ang baklang iyan, basta gwapo ay go lang ng go.

"Shut it Paul." Banta niya. Alam na kasi niya ang galawan nito eh. Tsk tsk.

"Bonjour Ianna!" Bati nang Marketing Director ng sikat na clothing brand na kanilang imomodel.

"Well hello to you too Laura!" Bati niya sa babaeng nasa late thirties na. Nakapag-model na siya dito dati kaya kumportable na siya sa mga nakakatrabaho niya, mapa-executive man o staff.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)Where stories live. Discover now