Chapter 12

26.7K 581 12
                                    

Chapter Twelve

                "Saan nanaman ba naisipan ng team mo magphotoshoot? Naku. Pag iyang mga staff mo pa naman ang may pakana ng photoshoot, ang daming nalalaman." Nakataas ang kilay na tanong niya kay Therine.

Yes, Therine is here in Paris. Nagulat na lang siya ng bigla itong tumawag at sinabing nasa Paris ito para sa photoshoot ng bago nitong collection. Isang araw na lang kasi ay magju-june na kaya nirurush nila ang wedding catalog ni Therine para sa botique nito. At dahil busy daw si Erin, siya ang napiling model tutal ay malapit na naman daw siyang ikasal kaya mas may dating daw sa mga tao. Minsan talaga kung anu-ano ang naiisip ng team ni Therine at ang galing din magpalusot ni Erin. Sinundan pa talaga siya dito sa Paris, though Therine has her own botique here. May nagmamanage para dito kasi sa Pilipinas talaga nakabase ang clothing line ni Therine.

"Sa Bois de Vincennes. From what I've researched, it's one of the largest park here in Paris. It's even three times bigger than New York's Central Park. At sabi ng staff ko may nakita daw silang magandang location doon." Mahinhing paliwanag nito habang iniisa-isa ang mga designs nitong nakahanger.

Nasa hotel room sila ngayon na siyang tinutuluyan ni Therine. Dito na raw siya aayusan para pagdating sa location photoshoot na agad. Less hassle.

"At ngayon park naman? Don't tell me naka-wedding gown ako na parang sa fairytale sa park na iyon?"

Therine smiled sweetly. "Silly. You're just gonna model a pre-nup dress. Iyon muna ang uunahin natin."

Tumango siya at hinayaan na ang nagmimake up sa kanya. Matapos ang hair and make up, inilahad na ni Therine ang isusuot niyang cocktail dress.

"Isang pre-nup dress lang ba ang para sa catalog mo?" Tanong niya.

"No, actually may apat pa kaso medyo kulang kasi tayo ngayon sa oras kaya isa na lang muna. Para may maipakita lang ako agad sa mga nag-i-inquire na clients."

She look at herself in the mirror, sa likod niya ay si Therine na inaayos ang likurang bahagi ng damit.

"Alam mo, nangyari na 'to. I was wearing a dress, also made of yours and I was supposed to have a pictorial for the invitations of my so called wedding. Pero hindi ako sinipot ni Blake tapos ayon, I got mad and traveled all the way here in Paris just to let my anger cool down." She chuckled bitterly at that thought. "And now, here I am wearing another beautiful dres  of yours but this time... it's purely work. Hindi ako maghihintay kung may dadating bang Blake o wala."

"Don't be sad." Therine gave her a sisterly hug. "Think on the brighter side, tutal ikakasal nanaman kayo siyempre meron at merong pictorial 'yan. And this time sisipot na siya. That's something to look forward for." Pakunswelo nito.

She just smiled at her optimistic friend, well... she knew better. Hindi na siya aasa pa ng todo kay Blake. Natuto na siya.

"Wait. I have something." Maamong ngiti nito habang may binalikan sa vanity mirror.

Napataas siya ng kilay ng iangat nito ang isang flower tiara na gawa sa purong maliliit na red roses.

"It's from Key. Nang makita niya itong mga designs na isusuot mo, she personally made this flower tiara." Paliwanag nito. "Ang bilin pa niya, alam na niyang tataasan mo daw ito ng kilay kaya ginawa niyang red na red para appropriate parin sa personality mo."

Napangiti siya. Iyan talagang si Key, ma-effort sa mga ganitong bagay. Well, Key is a cosplayer and she make and design her own costumes kaya creative talaga ito.

"Okay fine. I'll wear it." Bahagya siyang yumuko para maabot siya ni Therine. Magkasingtangkad lang naman sila pero nakaheels kasi siya at si Therine nakaflats.

All I Wanted (Bachelorette Series 3)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें