Chapter 41

413K 9.3K 2.1K
                                    

Napagdesisyunan ni Zyline na magpunta na lamang nang mag-umaga na sa bahay nila Cyan. Maybe she need some time with other people, too. Kung hindi siya aalis sa bahay nila ngayon, mag-iisip lang siya ng mag-iisip tungkol sa bagay na hindi malinaw sakanya.

She was still bothered... confused... and definitely pissed. Kanina pa tumatawag si Hunter sakanya pero hindi niya sinasagot ang mga iyon.

Hindi ba talaga malinaw kay Hunter kung ano ang gusto niyang mangyari? She wanted him to go home. Ayaw niya ng tawag lang. Aanhin niya ang pagtawag nito ng pagtawag sa telepono kung nananatili naman ito kasama ni Tanya? He should understand her, for Pete's sake. At higit sa lahat, siya dapat ang nasa una sa priorities nito. Hindi si Tanya.

Huminga ng malalim si Zyline. She's forcing herself to calm down. Kailangan niyang kumalma. Hindi dapat idang katulad ni Tanya ang maninira ng mood niya at ng buhay nilang mag-asawa ni Hunter.

"Naligaw ka ata?" tanong ni Cyan sakanya nang salubungin siya nito kahit na tinawagan naman niya ito kanina. Kahit papaano ay nasabi na niya kay Cyan ang nangyari.

"Alam mo, kung si Blue talaga ang gagawa sa akin niyan, ay naku... makikita nilang dalawa ng babaeng 'yon ang hinahanap nila..." ismid ni Cyan habang nakaupo sila at nagpapahangin sa may garden ng malaking bahay ng mga ito. Wala si Blue ngayon dahil may meeting ito kasama sila PJ, Cupid at Thunder.

"It's fine to be worried about her, Cy. But my point is... kailangan ba talagang nandoon siya? It was as if he's Tanya's hudband," muling nabubuhay ang pagkainis na nararamdaman ni Zyline. "Pati iyong oras naming dalawa ni Hunter, inaagaw ni Tanya."

"Nagpapaagaw naman ba si Hunter?" tanong ni Cyan sakanya. Tinignan niya ang kaibigan. She was just asking her. Wala sa mukha ni Cyan ang naghihinala na nagloloko si Hunter.

"He said he loves me," sagot niya. He never failed to say those words to her. Nakikita niya din naman na ipinapakita ni Hunter na mahalaga siya, na importante siya. Pero bakit sa isang iglap lang, parang ang bilis para sa lalaki na makalimutan ang bagay na iyon?

Iyon ang dahilan kung bakit nasasaktan siya. It was like, no matter how she tried to give her best, to be the person he will need, it was not enough. Will never be enough.

"Mahal mo naman siya, diba?" tanong muli ni Cyan sakanya. Ngayon ay mas malambot na ang boses nito kaysa kanina. Tila may kasama ng pag-aalala.

"Alam mo naman ang sagot diyan, Cyan..."

"Then fight for it. Don't let that hoe get on your husband's pants. You're a De Guzman, he's a Dela Cruz. Anong ineexpect mo sa relasyon niyo, happy lang? There's no perfect relationship, Zy. But you can always make your relationship worth it by fighting for it."

"Cyan," she sighed.

"You'll go get through this," ngumiti si Cyan sakanya. "Si Kol at Keij ang magiging dahilan para ipaglaban mo ang relasyon niyo ni Hunter. Plus his magic dick, sis..." biglang tumawa si Cyan.

Tinignan naman siya ng masama ni Zyline.

"What? I'm being honest, Zy. He's a Dela Cruz! Not that I saw his thing or Thunder's but... hey, I know some people the banged before and they said malaki talaga..." hindi maiwasan ni Cyan mapahalakhak. "But of course, I am loyal to your brother's pet and--"

"Stop it, Cy. You are so not helping. You're a pervert!" inirapan niya ang kaibigan.

"Akala mo naman siya, hindi. I'd bet you already initiated a sex with your husband. Huwag ako, Zyline. It's be always sex over chocolate once you had sex."

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon