Chapter 5

527K 10.6K 970
                                    

Kinabukasan ay maagang umalis si Hunter para makipagmeeting sa isang client nila sa isang coffee shop malapit sa opisina nila Thunder. Kanina pa din bagot na bagot si Hunter sa meeting na iyon kasama ang kapatid niya.

Gusto na niyang umalis dahil naiinip na siya. Ang kliyente at si Thunder naman ang nag-uusap, nandito lang siya para sa formality na sinasabi ng mga ito. Hindi niya maiwasang mapamura nang ilang beses sa tagal ng pag-uusap ng mga ito. Tutubuan na siya ng ugat sa pag-upo.

"What's wrong?" Thunder asked him. He scoffed. "I'm bored, fucker." Mahina lang ang pagkakasabi niya para hindi marinig ng kliyente nila.

Tinitigan siya ng masama ni Thunder bago umiling. "You can fuck your girl later, but focus on this one now, Hunter."

Hindi niya mapigilang mapaismid. Ang Summer's ang hawak niya pero involved pa din siya sa DCC. Si Thunder ang namamahala ng kumpanya simula nang mamatay ang Daddy nila matapos maaksidente nila Mika at Kerko noon.  Inatake ito sa puso at hindi nakasurvive. Good thing's nakasurvive si Mika sa aksidente at maging si Kerko.

Since then, si Thunder na ang tumayong padre de pamilya ng mga Dela Cruz. Wala namang tutol si Hunter dahil wala naman siyang pakialam. He can still do whatever he wants, pero alam niya din na kailangan niyang maging responsable. For his sister.

Iiling-iling si Hunter habang patuloy ang meeting ni Thunder at ng client. Alam naman niya kung anong pinag-uusapan nito. He proposed that deal!

Hindi sinasadyang napalingon siya sa pinto ng coffee shop nang bumukas ito. Awtomatikong may naglarong ngiti sa labi ni Hunter pagkakita kay Zyline.

Kumunot ang noo niya nang makita si Zyline na may kasamang lalaki.

Tss.

Nakatitig lamang siya sa mga ito habang nagtatawanan sina Zyline at ang kasama nito.

Kitang-kita niya mula sa kinaaupuan si Zyline. She's wearing her usual clobber. Bakit ba napakahilig nito sa jeans na tila sinira? Kumunot ang noo ni Hunter habang pinagmamasdan ang suot ng dalaga.

Loose shirt and ripped jeans. Itinupi lang ng dalaga ang manggas ng shirt na suot.

Nakamasid lang si Hunter kay Zyline. He's watching her drink her coffee. He's watching her smile, laugh...

Nawala ang boredom na kanina pa lumulukob kay Hunter doon. Hindi niya maiwasang mapangiti kapag sumisimangot si Zyline habang may kung anong ginagawa sa sketch pad nito.

Nawala ang ngiti na iyon nang tumabi ang lalaking kasama ni Zyline dito at inakbayan pa ang dalaga. Kaano-ano ba ito ni Zyline?

Ang akala niya'y wala itong boyfriend?

"Hunter," kinalabit siya ni Thunder kaya naman agad niya itong nilingon. "Ano?" He asked him. Medyo naging iritable siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Tapos na ang meeting." Ani Thunder sakanya. Napatingin siya sa kausap ni Thunder na nag-aayos na ng gamit.

What the fuck? Paanong natapos ng ganun nalang ang meeting nila?

"Thank you, Mr. Dela Cruz..." tumayo na ang lalaki at nakipagkamay kay Thunder. Tumayo na din siya para kamayan ito.

Ang mata ni Hunter ay muling napadako sa gawi ni Zyline. Wala na ang lalaking katabi nito, nasa harap na niya nakaupo.

Nakakunot noo pa rin si Hunter habang nakatingin sa dalawa.

"Are you heading home or Summer's?" Tanong ni Thunder sakanya.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon