Chapter 15

498K 9.9K 1.1K
                                    

#HuntersTemptation.

Kailangan ko pa bang lagyan ng "Warning: SPG" 'to? He's a Dela Cruz, anong ineexpect niyo? Si Mika lang talaga naligaw ng landas. Lol.

--

Hanggang sa restaurant, iniisip pa din ni Zyline ang sinabi ni Blue sakanya. Ayaw nitong makipagkaibigan siya kay Hunter? Nasabi na ni Hunter sakanya na hindi magugustuhan ni Blue ang relasyon nila, at ngayon, gusto niyang alamin ang pinakadahilan nito.

Or it was simply because he's Hunter? At alam ng lahat na hindi magandang impluwensya sa kahit na sino si Hunter.

But why the fuck they're judging him? Sila ba ang nakasama ni Hunter? Sila ba ang nakakausap? No. Siya ang kasama ni Hunter kaya alam niya na behind that devilish smile and smirk ni Hunter, may isang taong mag-isa.

At ayaw niyang iwan si Hunter dahil alam niya din naman ang pakiramdam na mag-isa.

Minsan, lagi nalang nahuhusgahan ang tao base sa paniniwala ng mga ito. Ni hindi muna nag-aabalang mag-isip o maghanap ng proofs. Seriously, bakit ba hindi muna pinapairal ng tao ang isip nila bago maghusga? Na baka may deeper reason ang isang tao kaya ganoon siya.

Wala namang taong likas na masama. Laging may dahilan.

"Zy, are you okay?" Cyan asked her. Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan. Katabi ito ng kapatid niya. Lumingon din si Blue kay Zyline at kumunot ang noo. Inayos nito ang suot na salamin bago nagsalita.

"Are you sick or what?" Blue asked her.

He shook her head. Of course, she couldn't say she's not fine, could she? Magtatanong pa ito kung bakit. Hindi niya naman pwedeng sabihin na dahil kay Hunter. Baka magwala na si Blue kapag ginawan niya iyon.

"I'm fine. I'm just a little tired..." pagdadahilan nalang niya. She sighed. Nasaan kaya ngayon si Hunter? Hindi ito nagreply sa text niya, eh. Nakokonsensya naman tuloy siya. Kung bakit naman kasi ang galing ng timing ni Blue, eh.

"Sis, you're glowing... gumanda ka," Cyan said. "May boyfriend ka, no?" pang-aasar niya.

Bigla namang nag-init ang pisngi niya. Halatang-halata ba sakanya na may boyfriend siya? She's trying to act normal!

"Hey, joke lang," Cyan laughed. "Blue said hindi ka pwedeng magboyfriend kapag hindi nagpakilala ng maayos sakanya ang lalaki," she looked at Blue. "Hon, you're so protective, hayaan mo kaya si Zyline, no?" natatawang sabi pa din nito.

Zyline rolled her eyes. Noon, si Cupid, nakalusot sa kuya niya. Cupid was his best friend, pero hindi pa din naging madali kay Cupid na manligaw sakanya. Ano pa kaya si Hunter kung ipapakilala niya?

"Ayoko lang na iiyak si Zyline, Honey."

Again, Zy rolled her eyes.

"Sus, akala mo naman siya, hindi ako pinaiyak..." ani Cyan sa asawa. Tumaas ang kilay ni Blue dito.

"Joke. Let's eat na nga!"

Hindi nalang masyadong kumibo si Zyline sa pinag-uusapan nila. Iniiwas na din niya ang topic tungkol sa boyfriend dahil bumibilis ang tibok ng puso niya sa pagsasabi 'non.

She was supposed to dine with her boyfriend, yet, here she is, having dinner with her brother and her sister-in-law. May karapatan naman siyang sumaya, bakit ba hindi nalang siya pabayaan ng mga ito kaysa ginagawa siyang witness ng kasweetan ng mag-asawa.

"Hon, si Hunter ba 'yon?"

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang magsalita si Cyan. Nakatingin ito sa bandang likod niya.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon