Chapter 10

533K 8.8K 740
                                    

Isang linggo na ang nakalipas mula nang nangyari sakanila ni Hunter pero parang kahapon lang ang lahat para kay Zyline. Ipinagluto siya ng binata ng hapunan. Alam naman niyang marunong magluto si Hunter at aaminin niyang mas lalo niya itong hinahangaan dahil doon.

He's almost perfect. I-minus nga lang ka-manyakan at kayabangan nito sa katawan na alam ni Zyline na imposible. Imposibleng mangyari dahil kanina pa siya nakatingin sa binata na may kasamang babae. Ang kamay nito ay nasa bewang ng kasama nito at ngiting-ngiti ang gago.

Hindi na din mabilang ni Zyline kung ilang beses siyang napairap sa mga ito. Kaninang umaga'y tumawag ito matapos ang ilang araw na hindi pagpaparamdam at sinabing mamimili sila ngayon ng gamit para sa condo ng kapatid niya. Gusto niyang sigawan ito pero hindi naman niya nagawa.

Ipinadala din sakanya ni Hunter ang inaprubahan na design ni Mika. She changed her mind according to Hunter. Hindi na strawberry ang design ng bedroom niya gaya ng unang plano nila. May pakiramdam si Zyline na si Hunter talaga ang may ayaw sa design na 'yon kaya pinilit nito ang kapatid na hindi iapprove ang design na iyon.

Mix ng puti at purple na ang design ng kwarto ni Mika. Ganoon din ang labas nito. Hindi na din siya masyadong nagreklamo o nagkomento. That's not her unit, in the first place. Mas inenhance na lang niya ang lahat at nagdagdag ng ibang detalye.

"Zy, maybe we could get some stuff here, too, for Amber's house. What do you think?" Bobbie asked her. Tumango lang siya. Kung tutuusin, makikita na wala talaga siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

Basta naiinis siya sa kalandian ni Hunter. Ni ha ni ho, walang sinabi ito sakanya sa nakalipas na araw. Matapos nitong halayin ang dibdib niya, ipagluto siya at magstay sa bahay niya ng isang gabi--walang nangyari sakanila--parang biglang hindi na naman siya kilala nito. She really can't understand him! At kung umarte ito ngayon ay parang ni hindi man lang sila naghalikan sa condo niya.

Bakit ba may mga taong sasabihing gusto ka, pero lumalandi naman sa iba? Hindi na ba talaga uso ang stick to one ngayon? Or was it because it's Hunter Ezekiel Dela Cruz at nature na nito ang makipaglandian sa mga babae?

Kapag siya ba nakipaglandian sa iba, okay lang? Ang ibig niyang sabihin ay kung sakali bang gagawin niya ang mga ginagawa ni Hunter, okay lang dito?

But she can't do that. Alam niya sa sarili niya na hindi niya magagawa iyon.

She said she likes him. At hindi naman siya ang tipo ng tao na matapos magsabi sa isang tao na gusto niya ito, titingin pa sa iba at lalandiin ito.

Hindi katulad ni Hunter.

She looked at him again. Sige naman ang pagngiti nito sa kasamang babae. Hindi naman maganda. Mas maganda pa nga siya, eh. Hindi niya malaman kung ano ang nakita ni Hunter sa babaeng 'yon. Malamang 'yung dibdib.

Eh di siya na malaki ang hinaharap. Hindi na naman napigilan ni Zylibe mapairap.

Nakapili na sila ng mga kailangan nila. Idedeliver nalang ito sa condo ni Mika at bukas, magsisimula na silang mag-ayos doon. Sa tantiya niya'y wala pang isang linggo, basta tuloy-tuloy ang paggawa nila'y matatapos na nila ang trabaho.

Halos naging taga-tango lang si Zyline sa buong pamimili nila ng gamit. She's lucky enough dahil hindi siya iniwan ni Bobbie sa paglalakad. Nakaalalay lang ito sakanya. Nauuna kasing maglakad si Hunter at ang mahaderang babaeng kasama nito.

Napapaisip tuloy siya kung saan ba napulot ni Hunter ang babaeng 'to. Zyline is Zyline. She can be mean sometimes. Lalo na kapag naiirita siya sa nakikita niya.

"Okay ka lang ba?" He asked her. Tumango lang siya ulit habanf nakasimangot pa din. "Ilang araw ka ng ganyan. What really happened?" Huminto muna sila sa paglalakad at pinaharap siya nito.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon