Chapter 17

538K 8.8K 1.1K
                                    


Zyline doesn't have any idea where they're going. Hindi niya din binuksan ulit ang cellphone niya para hindi siya matawagan ni Blue. Kahit si Hunter ay pinatay din ang phone nito.

Alam niyang protective lang naman si Blue sakanya. Nakita nito kung paano siyang nasaktan noon at alam niyang ayaw ni Blue na maulit 'yon.

Mas lalong ayaw ni Blue na kay Hunter siya mapunta. For them, wala naman kasing gagawing matino si Hunter.

Wala bang karapatan si Hunter magbago?

"I need to use different car..." Hunter said. Nilingon ito ni Zyline. "Bakit?" May mali ba sa sasakyan nila? Ang alam niya'y maayos naman ang Hummer nito.

"You wouldn't like it when Blue and Thunder's planning something..." he smirked.

Oh, the brother's code.

Ilang beses na bang napatunayan ng mga kapatid nila ang pagkakaibigan ng mga ito? Hindi na niya mabilang. Mula pa kasi pagkabata'y magkakaibigan na sila Blue, Thunder, PJ at Cupid. Walang makakasira sa friendship

Saglit na binuksan ni Hunter ang cellphone at may tinawagan. Wala naman siyang balak makinig sa usapan ng mga ito but it was impossible. Katabi niya ito.

"Is your Audi free?"

So, he's serious about changing the car they're using. Iniisip ni Zyline kung sino kaya ang tinawagan nito.

"Okay, that's good. Can I borrow it?"

Nakatingin si Zyline sa daliri ni Hunter na tinatapik-tapik ang manibela.

Those long fingers...

"Thanks, man. Don't tell Thunder, alright?" he smiled and turned his phone off.

"Saan na tayo pupunta ngayon?" tanong ni Zyline kay Hunter.

"Daniel's house. But I'll leave my car in Mika's condo first, we'll take a cab after that."

Seryoso ba talaga si Hunter sa gagawin nila? He's putting so much effort.

Matapos ngang iwan ni Hunter ang sasakyan, nag-cab sila papunta sa bahay ni Daniel.

Daniel's Hunter's cousin. Wala namang masyadong alam si Zyline tungkol dito maliban sa NBI agent ito at tumulong ito sa mga kaibigan ng kapatid niya noon.

Nagpunta din siya sa birthday nito noong nakaraan para dalhin ang regalo ni Blue para dito pero umalis din siya agad. Wala naman kasi siyang kilala sa party na 'yon, isa pa, hindi naman kasi sila close ni Daniel. Inutusan lang siya ni Blue.

"Wala si Daniel ngayon, he's on vacation." Hunter told him. Mukha ngang alam na alam ni Hunter ang pasikot-sikot ng bahay ni Daniel.

"I used to stay here before..." he said. Bakit ba parang nababasa nito ang iniisip niya?

Sumunod lang siya kay Hunter habang naglalakad ito. Nakatingin siya sa likod nito.

Napakasimple ng suot pero ang gwapo. Pati sa paglalakad nito, parang naghuhumiyaw pa din ang kagwapuhan. It was like, he's walking and everyone should look at him because he's Hunter Dela Cruz. May ganoong aura talaga ang binata. Or was it because of his Dela Cruz genes? Parang ang sarap tuloy maging isang Dela Cruz...

May nakita si Zyline na tatlong kotse na naroon nang makarating sila sa garahe ng bahay ni Daniel. She's so sure, the one's Hummer, too. It was like Hunter's car. Ang isa'y Mercedes Benz, and the other one's the Audi.

Hunter clicked the car key. Umilaw naman agad ang Audi at lumapit ito rito.

"Sakay..." he said. Hindi man lang siya pinagbuksan ng pinto.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon