Chapter 38

476K 9.6K 1.2K
                                    


Twitter/askfm/IG: @vampiremims

--

Iniwan ni Hunter at Zyline sila Keij and Kol sa pangangalaga ni Rain. She was more than happy to be with their twins, actually. Tuwang-tuwa kasi talaga si Rain sa kambal lalo na kapag inaaway ni Keij si Kol. He was really bullying his twin brother, habang si Kol naman, gagapang palayo kay Keij. Sabi ni Rain, para daw tuloy may mini-Thunder at Hunter si Zyline. Magkapatid pero parehong may topak.

Base sa sinabi ni Hunter kay Zyline, weekend lang sila pwedeng mawala dahil na rin sa trabaho nito at dahil na rin sa kambal. Kahit naman kasi mas laging kasama ni Zyline ang kambal, laging si Hunter naman ang bumabangon sa gabi kapag may isang umiiyak sa mga ito. Kahit pa pagod ito galing sa trabaho, ito pa din ang nag-eeffort para sa kambal.

"Hun, sinabi mo ba kay Rain na ayaw ni Kol magfeed doon sa bottle na hindi kanya?" tanong ni Zyline kay Hunter habang nasa sasakyan sila papuntang Batangas.

Kumunot ang noo ni Hunter bago siya nilingon. He was wearing a sunglasses. That made him more delectable, actually. With his white polo and pants, parang ang sarap tuloy sakyan ni Hunter. "Diba ikaw ang kausap ni Einah?" tanong ni Hunter sakanya.

She rolled her eyes. "Ikaw kaya nakipag-usap sakanya. I was busy talking to the twins!" ani Zyline bago kinuha ang cellphone at tinawagan si Rain. May habit kasi talaga si Kol na ayaw dumede kung hindi ang feeding bottle nito ang ibibigay dito. Minsang napagpalit ni Zyline ang sa kambal, hindi talaga ginalaw ni Kol ang para dito. Ayaw na ayaw ni Kol na pinapakialaman ang gamit nito kahit pa nga napakaliit pa lang nito.

"Hi, Rain..." bati niya sa kaibigan nang sumagot ito sa tawag niya. It's just 5 in the morning kaya alam niyang naistorbo niya ito sa pagtulog. "Sorry sa istorbo, ah?" hinging paumanhin niya pa dito.

"No, it's okay. Why?" tanong ni Rain sakanya na narinig pa niya ang paghikab. "Hold on, Zy..." ani Rain sakanya. "Thunder, I'm talking to Zyline. Stop molesting my breast!" mahina lang ang pagkakasabi ni Rain pero dinig na dinig naman ni Zyline iyon.

Bigla tuloy nahiya si Zyline na may naistorbo pala siyang ibang gawain ni Rain at Thunder.

"Ang aga mo mang-istorbo, Zyline. Call again later, I'm having my morning exercise," narinig niyang sabi ni Thunder para sakanya. Sinaway naman ito ni Rain.

"Shut up, tumayo ka na nga!" sabi naman ni Rain sa asawa. Narinig niya pa ang pagpalo ni Rain dito.

"Kanina pa may nakatayo, misis..." Thunder laughed sexily. Nakadagdag sa pagkasexy ng boses nito ang bahagyang pagkapaos nito.

"Wait, may kausap ako! Stop molesting me!" sabi ulit ni Rain na nakalimutan na atang hawak nito ang cellphone at naririnig niya ang pag-ungol nito.

"What the fuck..." napalingon siya kay Hunter. Sumulyap naman ito sa direksyon niya at nagtanong kung anong nangyayari. She gave her the phone instead. "Ikaw na nga makipag-usap," sabi ni Zyline na iniwas na ang mukha sa asawa. Umakyat ata lahat ng dugo niya sa mukha niya dahil sa nangyari.

Hindi naman alam ni Zyline na nakakaapekto pala na makakarinig ka ng mga ganoong bagay ng live. Napakrus tuloy ang mga binti niya at napahinga ng malalim.

Kunot-noong inabot naman ito ni Hunter.

"Hunter here," sabi nito habang hawak ang cellphone habang nagmamaneho. Hindi ito nagsalita habang nakikinig lang sa kausap. Napapaisip tuloy si Zyline kung kausap na ba nito si Rain o may sinasabi si Thunder dito o si Rain o kung ano na ang nangyayari.

"Hun..." untag niya sa asawa na kaswal pa din ang pagmamaneho at paghawak sa cellphone. Hindi din ito kumikibo.

"Hunter..."

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon