Chapter 27

467K 9.8K 1.8K
                                    

Meet up (resched)
Nov. 22. 1 pm. Wildlife.

--

"I'll marry your daughter, Tito. I'll marry Zyline," ani Hunter habang nakatingin ama ni Zyline.

Of course, he knew this would come. Pero hindi naman sukat akalain ni Hunter na ngayon na ito darating. May usapan na sila ni Thunder tungkol dito, eh. Alam niyang isang araw, makikita niya ang mga magulang ni Zyline at kailangan niyang harapin ang mga ito.

"You actually don't have a choice, Hunter," sabi ng ama ni Zyline. Tumalim ang tingin nito kay Zyline nang ilipat nito ang tingin sa anak. "Wala akong balak magkaroon ng anak na disgrasyada," masama ang loob na sabi nito.

Napayuko nalang si Zyline. His father loved her so much. Alam ni Zyline 'yon. He spoiled her with the things she wants and needs. Kahit anong hilingin niya, ibinibigay nito sakanya. Kaya sigurado si Zyline na masama ang loon ngayon ng ama sakanya dahil sa nangyari. He's like Hunter when he's mad. Laging harsh words ang napipiling sabihin at hindi man lang pinag-iisipan kung makakasakit ba ng damdamin o hindi ang sinasabi nila.

"Fernando, it's too soon to berate your daughter," hinawakan ng ina ni Zyline ang braso ng asawa. "Kakarating lang natin at kakikita pa lang natin sakanya," sabi pa nito.

"Zyline, anak, come here..." tinawag siya ng ina. Nag-angat naman ng tingin si Zyline bago lumapit sa ina. Ngumiti ito sakanya bago siya niyakap. "I'm glad to see you anak," sabi nito sakanya. "Kaya pala kapag tumatawag ako'y lagi kang wala at hindi mo sinasagot ang tawag ko, busy'ng busy ka..." makahulugang saad ng ina niya.

"Mommy..."

"We'll talk about that later," sabi nito sakanya. Wala siyang nagawa kundi tumango nalang.

"Lourdes?" tawag ng ina ni Hunter sa katiwala ng mga ito.

"Laura, nakauwi ka na pala..." sabi nito sa ina ni Hunter. Laura smiled at Lourdes. "Yes, I saw Fernando and Barbara. That's a good thing, I guess. Dahil sa nangyari sa mga anak namin," sabi nito bago tumingin kay Hunter. "Mukhang maraming ikukwento sa akin ang binata ko, eh," sabi pa nito.

Napailing nalang si Hunter sa sinabi ng ina.

"Where is Mika?" tanong ni Tita Laura kay Hunter. Nagkibit-balikat naman si Hunter. "Maybe she's with her friends," sagot nito.

"May ipapakilala ako sa kapatid mong iyon," nakangiting sabi ni Tita Laura. Bumaling ito kay Nanay Lourdes. "Pakihandaan kami ng pagkain at may pag-uusapan pa kami nila Barbara mamaya," sabi nito. Tumalima naman si Yaya Lourdes at sumunod sa sinabi ni Tita Lourdes kaya naiwan silang lima sa may living room.

"Let's take a seat first. Ihahanda na nila ang pagkain para makakain tayo," nakangiting sabi ni Tita Lourdes sa nga magulang ni Zyline at sakanilang dalawa din ni Hunter.

May naghatid naman ng kape sa kanila habang naroon sila sa may living room. Magkatabi ang mga magulang ni Zyline at nasa tabi siya ng kanyang ina habang si Hunter naman ay katabi ang ina nito.

"So, tell us, what happened?" ani ng ama ni Zyline na nakatingin kay Hunter. Napatingin si Zyline sa binata na nakatingin sa daddy niya.

"You want me to tell you how did we--"

"Hunter!" pinanlakihan niya ng binata. Geez! Hindi siya pwedeng mag-ganyang salita sa Daddy niya! Siraulo talaga 'tong su Hunter.

"What?" he asked her. "I was going to ask Tito Fernando if he wants me to tell him how did we met," he said. "Ano bang iniisip mo diyan?" tanong sakanya ni Hunter habang nakakunot ang noo.

Hunter's Temptation Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon