Kabanata 3

67.2K 922 47
                                    

Chapter 3

Halos dinaig pa ata ni Clarisse ang bangag sa sobrang pagkapuyat. Nais na niyang magpasuri sa doktor dahil kung anu-ano ng hallucunations ang nakikita niya. Hanggang ngayon ay itinatanong pa din niya ang kanyang sarili kung bakit hindi maaaring matulog ng saktong alas-dose. Kung sakaling nananakot lamang ang lalaking iyon ay kinikilabutan siya lalo pa at ilang gabi na din siyang binabangungot. 

Kanino nga ba siya dapat humingi ng tulong? Sa isang ispiritista? Ngunit patay na nga ba si Allen?

“Huy!”

“Ay Allen!” napaigtad siya ng kalabitin siya ni Maribeth sa kanyang balikat.

“Oy! Sinong Allen yan? May boyfriend ka no no!” inirapan na lamang niya si Maribeth dahil nagulat siya dito ng husto.

“Baliw!’

 “Ang gwapo daw ng bagong general manager ng airport kaya if I were you magpaganda ka dahil sasalubungin ang pagdating nya.” nagsimula na naman maglandi ang kanyang kaibigan. Wala naman siyang hilig sa mga gwapo. Tatlong taon na ang nakalipas noong huli siyang nagkaroon ng nobyo.

Day off dapat ni Clarisse ngunit dahil sa pagdating ng bagong General Manager ay napilitan siyang pumasok, naisip din niyang wala naman siyang gagawin sa kanyang apartment kundi ang matulog. Hindi naman siya madalas umuwi sa kanilang probinsya.

Inayos na niya ang kanyang uniporme at sabay na silang lumabas ng clinic ni Maribeth upang magtungo sa entrance ng airport kung saan nakahilera ang lahat ng empleyado ng naturang airport. Dahil huli silang dumating ni Beth ay sa hulihan sila nakapwesto. Napanganga na lang siya ng makita ang red carpet na nakalatag sa entrance. Ganito ba kagwapo ang General Manager? Tanong niya sa kanyang sarili.

Maya-maya pa ay nagsi-ayos na ang lahat dahil sa humintong limousine.

May isang lalaki ang bumaba ng limousine. Nakasuot ito ng itim na Americana.Nakasuot din ito ng sunglasses. Spell H-O-T. Literal na napanganga ang lahat. Makikita mo ang pagiging powerful ng personality ng lalaking parating, sa bawat hakbang niya na puno ng confidence. Akala mo model ng isang mamahaling brand ng damit kung maglakad ang General Manager.

Mabilis na namang naghabulan ang tibok ng puso niya, ang huli niyang pagkakatanda ay ganito din ang pagtibok ng puso niya noong una niyang makaharap si Allen sa panaginip niya gayundin sa lalaking gumising sa kanya sa katotohanan.

Parang pag-aari nito ang buong mundo sa paglalakad nito. Diretso lamang ang tingin nito kahit binabati ito ng mga tao sa paligid nito. Pigil ang hininga ni Clarisse ng madaanan siya nito buong pa-aakala niya ay makakahinga na siya ng maluwang ngunit nagulat na lamang siya ng huminto ito sa tapat niya at tumingin sa direksyon niya. Hindi niya makita ang mata ng lalaki dahil sa suot nitong shades ngunit ramdam niya ang mga titig nito. Halos mapapugto ang kanyang hininga ng hawakan nito ang kanyang nameplate at iayos. Paling pala ang kabit ng kanyang nameplate dahil na din siguro sa kanyang pagmamadali kanina.

“Dapat laging nakaayos ang nameplate, ito ang reflection sa pangalan  ng airport.”  he said in a deep husky voice.

“Maliwanag ba Miss Lonzaga?”

“Y-yes Sir.”

Sa nanlalaking mga mata ay nagulat na lamang siya sa mukha ng lalaking nasa harapan niya lalo na ng alisin nito ang suot nitong shades. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya at pinagpawisan na siya ng malamig at unti-unting nagdilim ang kanyang paningin.

Naramdaman na lamang niya ang mga brasong sumalo sa kanya.

to be continued...

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Where stories live. Discover now