WFF - 21

21.4K 250 38
                                    

***

Daniel John 

Halos isang linggo na kaming di nagkikita ni Kath. Bakit? Kasi nung bumisita siya sa set namin, may nakakuha ng picture at naglabasan ang kung anu-anong paninira sa aming dalawa. Kaya nagalit ang mga teams namin at hindi muna kami pinapayagan magkita. Nakakainis diba. Magkapitbahay kami pero di namin magawang magkita kasi bantay-sarado. Hanggang skype na lang kami pero minsan late pa o kaya lagi pa siyang galit kasi pagod siya o kaya naman mainit din ulo ko kasi ang stubborn niya. Monthsary nga namin kahapon eh. 8th month. (Kunwari May naging sila tapos December na – author)

Monthsary namin pero pagkausap niya sakin sa skype, bwisit siya. Pagod daw siya at matutulog na. Hindi niya nga ata naalala na monthsary namin eh. Ang saya, saya grabe. Kaya ngayon, andito ko sa kwarto at nakahiga. Walang balak tumayo. Day-off namin hanggang Sunday. And today is Tuesday. Katatapos lang kasi ng mga fiesta visits namin. Kaya pinagpahinga. Pero nakatambay sa baba si Celestine. Yung manager namin. In case daw maisipan kong mag-ala Spiderman at pumunta kila Kath na katapat lang ng bahay namin.

"Brad, kakain na daw." Katok ni Sed sa pintuan ko.

"Ayoko."

"Ikaw din, mamiss mo yung KrisTV ni Kathryn at Quen." Dali-dali naman akong bumaba at naabutan ko silang lahat kasama si Celestine na kumakain ng almusal at lahat nakaharap sa TV dahil nga may guesting si Kathryn at Enrique sa KrisTV. Umupo ako sa tabi ni Kats at kumuha ako ng pancake na sunog kaya alam kong si JC ang nagluto. Tinitigan ko pa yung pancake kaya naman binato ako ng tissue ni JC.

"Pagkain pa din yan." Sabi niya sakin at bumalik na yung mata niya sa TV.

"Meron daw kayong mga dos and donts?" Tanong ni Miss Kris kila Kath at Quen na magka-holding hands. Feeling ko nga madudurog na yung pancake ko eh. 

"Meron Hahahaha!" Tawa ni Quen sabays iksik ng mukha sa balikat ni Kath. Binaba ko na yung plato ko at napa-cross arms nalang. Nagtinginan sila sakin dahil bumagsak yung plato ko pero ako naman wapakels. Di naman babasagin yun. "Magtrabaho lang siya at bawal kumausap ng lalaki" Dagdag ni Quen.

"Sinusunod mo naman?" Tanong ni Miss Kris ulit. Si Kath naman tumingin kay Quen. Ewan ko. Nakakinggit yung tingin eh. Parang may kilig na ewan. Tapos hingipitan niya yung hawak sa kamay ni Quen at dumantay sa balikat. 

"Syempre po. Baka magalit si baby." Tapos nagtawanan na sila. At oras na para bumalik ako sa kwarto. Binagsak ko yung pinto at narinig ko na kasunod ko na yung pinsan kong shunga. 

"HOY KUYA LABAS DIYAN" Minsan lang akong tawagin ni JC na kuya. Hindi ko naman daw siya kapatid at isang taon lang ang tanda ko sakanya tapos magkatrabaho lang kami kaya DJ lang. Pero minsan pagseryoso yan o kasama namin mga pamilya namin, kuya tawag niyan sakin. 

"Ayoko. Leave me alone." 

Tapos bumukas yung pintuan. 

"Wow, Leave me alone ka diyan tapos di naman naka-lock. Siguardo ka bang Ford ka din? Bobo mo eh" Sagot niya at umupo dun sa umiikot kong upuan. Umupo naman ako sa kama ko at binuksan ko yugn TV para ituloy ag pagtorture ko sa sarili ko sa KrisTV na yan pero pinatay naman netong si JC.

"Jose Carlito." I looked at him sternly.

"Para ka namang tanga eh. Nagbabasa ng tabloids para sirain araw mo. Nanunuod ng mga ganun kahit alam mo namang loko lang. Ano, tanga ka ba? Masokista?" Tanong niya ulit sakin.

"Nasasakal na kasi ako. Tingnan mo nga! Si Celestine nasa baba. Binabantayan yung bawat kilos natin. Lalo na yung bawat kilos KO. Ano ko, bata?!"

"Eh kung di naman kasi kayo nagpahuli nung isang araw edi sana—"

Waiting For ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon