WFF - 7

27.8K 280 13
                                    

Chapter 7

Kathryn Chandria

"Morning Kath!" Ayos ah, si Seth aga bumangon. Direcho siya sa ref habang nagkukusot p ang mata para sa tubig.

"Morning. Bat ang aga mo?"

 

 

"Dinadaganan ako ni JC." Sagot niya at lumapit skin para makita ang niluluto ko. Complete breakfast lang naman, hotdog, egg, corned beef at sinangag. Inakbayan niya ko sabay amoy sa luto ko. "Sarap niyan ah. Pwede ng mag-asawa."

Alam kong hihirit nanaman to. May malanding buto sa katawan to eh. Madami. Nginitian ko lang siya at tinulungan ko lang siya sa pagluluto.

"Nga pala, Kath. Sama ka samin ah? Buong araw kaming magrerecording lang e." Seth. Binaba niya yung baso niya pero naka-akbay pa din siya sakin. Onti na lang sisikuhin ko na to.

"Sige ba. Basta libre pagkain. Paabot ng nung isa pang spatula."

Inabot niya naman PERO di pa din talaga inaalis yung kamay niya.

"Good Morning, Ka—" Humarap ako sa kitchen door frame at nakita ko si DJ na nakabusangot yung mukha. Agad ko namang siniko si Seth at natanggal din sa wakas yung kamay niyang kanina pa nakasabit.

"Uy, good morning. Upo na kayo diyan. Matatapos na to." Si DJ naman, padabog na umupo at nakatitig lang sakin. Si Seth naman, patay malisyang naghahalo ng sinangag.

"Bro, sasama si Kath satin sa recording ah?" Seth.

"Sakin lang sasama yan." Sabi naman ni Dj na nilalaro yung place mat. Ang aga-aga nagsasalubong yung kilay.

"Seth, paki-gising naman yung iba dun. Para makakain na." Utos ko. Kailangan ko atang kausapin tong Dj na to. Hahaha.

"Kath naman! Hirap gisingin ng mga yun eh. Si DJ na lang. Nakaupo siya tapos ako nagluluto." Seth.

"Kasi PO, tapos na PO yung niluluto niyo." Sabi ko sakanya at sinarado na ang stove. "Sige na, gisingin mo na yung mga yun. Wag kang bababa ng di mo sila kasama."

Sabay naming pinanuod ni DJ na lumabas si Seth ng kusina. Nilagay ko naman sa lamesa yung mga kakainin namin. Si DJ naman, nakatingin lang sakin. At halos magkadikit na nga ang kilay. Umupo ako sa tabi niya at inusog ng konti yung upuan papunta sakanya. Siya naman, patay malisya lang na kumuha ng tinidor at ng hotdog.

"Pst. Ang aga-aga, Mr. Padilla nakasimangot ka. Good Morning!" Masigla kong sabi. Hindi naman ako pinansin ng loko. Kumuha lang siya ng plato at naghain tapos nagsimula na siyang kumain. "Grabe, DJ. Di mo na ko pinapansin ngayon ah. Ganyan naman tayo eh."

Sinamaan lang ako ng tingin. Kumuha na din ako ng kakainin ko at nagsimula ng kumain. Tahimik lang. Yung kalampag lang nung kutsara't tinidor yung naririnig. Ayoko pa naman ng ganito. Hindi ako sanay. Sa bahay kasi, parating maingay. Napahingang mallaim ako bago ako humarap ulit sakanya.

"DJ?"

 

 

"Hmm?"

 

 

"Galit ka?"

Umiling lang siya at kumuha pa ng itlog. Pinisat niya yung gitnang yellow kaya naman parang naging sabaw na lang niya sa kanin. Ma-gaya nga maya-maya.

Waiting For ForeverWhere stories live. Discover now