WFF - 18

21.7K 216 12
                                    

-

Kathryn Chandria

"Ang sabi one week rest. Hindi 3 hours. Ano ba? Papatayin mo ba girlfriend ko?" Tanong ni DJ na inis na inis kay ate Jackie ngayon.

"Hindi ko naman alam na may naka-book na schedule sakanya ngayon. Don't worry, I'll talk to the organizers na ipupull out na si Kath. Chill ka lang diyan." Sabi naman ni ate Jackie habang nagtetext na sa phone niya. Kaninang umaga lang kasi ako nakalabas ng ospital at ayun nga, biglang ma mall show daw ako sa Bulacan kasama si Enrique. Nagaayos n asana ako ng biglang pumasok si DJ sa bahay at nalaman nga na may mallshow ako. Edi yan, nagwawala na siya.

"Ikaw manager di mo alam? Ate Jackie naman—"

 

 

"DJ. STOP." I said. Hinatak ko siya papuntang kitchen at pinaupo sa isang stool. Inabutan ko na din ng bottled water at agad naman niyang naubos sabay shoot dun sa basurahan. "Chill ka nga lang diyan. Stress ka na nga sa trabaho, nasestress ka pa dito." Puna ko at pinsil yung ilong niya. Nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko pero nakasimangot pa din.

"Pano pag nabinat ka ha?"

 

 

"DJ, trabaho eh."

 

 

"Alam ko. Pero makinig ka sa sinabi ng doctor, isang linggong pahinga."

Tiningnan ko lang siya. Alam naman niya na hindi ako papaya kasi hindi ko naman nako-control ang schedule ko. Kaya napabuntong-hininga na lang siya at yinakap pa ako ng mas mahigpit.

"Sige na. Bukas, you can go to work pero please promise me na hindi mo papagudin ang sarili mo. Know your limitations. Pero as for now, stay at home. Magpahinga ka muna, okay?"

 

 

"Okay." I knew right there and then, that we made a compromise. Hindi naman ako matitiis ni DJ pero that doesn't mean na aabusuhin ko yun. Kasi kung siya din may sakit, aba. Kahit magalit siya sakin basa isang linggo siyang di magtatrabaho. "Ginagawa mo ba dito, baby?" Tanong ko sakanya.

"Binibisita pa. Pero mga 3PM, punta kong Mandaluyong kasi may photoshoot pa sa Candy Mag."

Tiningnan o yung oras. 12:45 pa lang ng tanghali.

"Matulog ka muna, baby. Pahinga ka. Di ka pa natutulog simula kaninang umaga." Hinatak niya ako papuntang kwarto at humiga sa kama ko. Aba, ayos to ah. Gagawin pa kong secu. Hahaha.

"Dito ka lang sa tabi ko." Utos niya. Hinubad ko yung slippers ko at tumalon papunta sakabilang side ng kama sabay unan sa machete niyang katawan. Ramdam kong gising pa siya pero hindi na lang din ako nagsasalita. "Anong gagawin mo kapag namatay ako?" Tanong niya. "ARAY NAGTATANONG LANG" Sabi pa niya sabay hawak dun s aparte kung saan ko siya siniko.

"Wag ka ngang nagsasalita ng ganyan." Inis kong sabi.

"Pero pano nga?"

 

 

"Isa, DJ ah."

Waiting For ForeverWhere stories live. Discover now