WFF -20

21K 243 27
                                    

 

Kathryn Chandria

"Kathryn Bernardo, ready in 10 minutes." Sigaw nung event organizer mula sa kabilang dulo ng hallway. Tumango lang si ate Jackie at pumasok na sa dressing room ko. Kasunod niya ako at kasunod ko si Enrique. Prepared na kaming dalawa. Relx, relax na lang for the next 10 minutes. Umupo ako sa isang monoblock at hindi nagsasalita. Hindi ko pwedeng tawagan si DJ kasi nakasalang na sila para sa TVC shoot nila.

"Kath, it's going to be okay." Sabi ni ate Jackie sakin. Si Enrique naman kanina pa yan text ng text. "At ikaw naman Enrique, ganun din."

 

 

"Easy for you to say. She's gonna be there." Sagot ni Enrique at sinagot yung tawag sakanya. Mukha siyang uneasy na ewan. Nakakatawa.

"Who's gonna be there?" I asked.

"Enrique's girlfriend." Ate Jackie.

"ENRIQUE HAS A GIRLFRIEND?" I shrieked. Hindi nagkekwento tong mokong na to. "HOY QUENITO" Sigaw ko sabay baton g isang box na walang laman. Umilag naman siya at nilagay sa bulsa yung phone niya.

"Gusto mong isumbong kita kay Kats? Problema mo?"

 

 

"May girlfriend ka daw! Bakit hindi ko alam?!"

 

 

"Meron nga. Ikaw." Malandi niyang sagot sabay kindat.

"EEEEEEEEEEEH QUEN. Sino nga?!"

 

 

"Wala nga. Nililigawan meron." He said at kinuha yung monoblock na inuupuan ko. Leche diba? Genleman ng gagong to. Sobra. Hahahaha. Nilapitan ko siya at kinulit. Ayos, pampawala ng kaba. Hahaha.

"Sino nga?! MAGKWENTO KA NAMAN. DA WHO" Pangungulit ko.

"I'll leave you two here. Kakatok ako pag lalabas na kayo" Ate Jackie. Pagkalabas ni ate Jackie ay binato ko nanaman ng bote si Quen. Strike 2 for Kathryn. 

"Ano ba, Kathryn Bernardo! Si Julia Montes, okay na?! Nak ng..."

 

 

"JULIA MONTES?! OMG OMG" Ako naman tong excited na nagtatalon. Isa sa mga favorite na artista ko kaya yun. "She's going to be here? Like in front? I'm going to see her and—"

 

 

"Mas excited ka pa kesa sakin?" Inis niyang tanong. "Nasestress na kaya ako. Live na live niyang makikita. At least, yung boypren mo, sa TV lang."

 

 

"Aww, Quenito. Don't worry, it's going to be fine." I assured him. And then, I heard a knock. Oras na para lumabas kami. Nagbago tuloy yung excited kong feeling ko kanina. Bumalik na yung kaba ko.

Waiting For ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon