CHAPTER 24 ~ Done ~

83.5K 1.5K 77
                                    

A/N: PLUG: She's A Gangster Queen?!? and He Entered My Life by andreadaawn

CHAPTER 24

Kasalukuyang nakaupo ako sa isang mahabang lamesa na pinagdugtong-dugtong nila Yale. Sa magkabilang side ko nandoon si Cloak at si Craige. Animo mga judge kami sa American Idol.

Nakatakip ang niluto ni Andreige kaya hindi namin nakikita habang katatanggal lang ng takip ng kay Teo. Siya daw ang unang i-jujudge sabi ni Craige. Pinapanood narin kami ng mga guests na suki na ng The CAMP dahil mukhang naaliw sila sa mga kaganapan dito.

Iyon siguro ang dahilan kung bakit ang daming mga bumibisita sa lugar na to. Mukhang gusto nila na maranasan ang ka-abnormalan ng mga tao dito para naman may mabago ng konti sa normal nilang mundo.

"Hindi ko alam kung bakit kasama ako dito."-cloak

"Hindi ka nag-iisa."-me

Nilingon namin sila Fierce at Thea na kasalukuyang nasa isang tabi at pinipicturan kaming mga 'judge'.

"Ang cute nila no?"-fierce

"Oo nga eh. Para silang triplets. Seryoso, Masungit at Moody. Bonggacious!"-thea

Tinignan ni Craige ng masama si Thea na nag flying kiss lang kay Craige. Napailing na lang si Craige na mukhang sanay narin sa kalokohan ng asawa niyang out of this world. 

Tinikman na namin ang niluto ni Teo. Hindi ko pinansin si Yale na kasalukuyang sinesenyasan sila Craige at Cloak na wag bibigyan ng mataas na score si Teo.

Mandaraya talaga.

tsk tsk.

"Nine."-craige

Simpleng itinaas lang ni Cloak ang papel na sinulatan niya ng malaking number ng nine. Napakamot ako sa pisngi ko.

Shit...my turn.

Kumuha ako ng tinidor at tinikman ko ang niluto ni Teo.

...

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon