CHAPTER 15 ~ Awesome ~

86.4K 1.4K 34
                                    

CHAPTER 15

CASSANDRA'S POV

I look away from the gun, not a wise thing to do, I guess. Pero kailangan kong malaman kung okay lang si Andreige. Inikot ko ang paningin ko at bahagyang sinagi ko lang ang baril na nakatutok sa akin sa panggigilalas ng lalakeng nasa harapan ko.

Wala akong pakielam sa kaniya. I need to find-

...

...

-________-

Can I just kill him right now? Andreige, I mean. Kasalukuyan siyang nakadapa sa sahig habang hawak-hawak niya ang cellphone niya. At base narin sa natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko ay mukhang nag twi-twitter siya habang my nakadagan sa kaniya na lalaki.

Ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki sa harapan ko na itinutok na naman sa akin ang baril.

"Kung gusto mong paputukin ang hawak mong baril, pakiuna na ang lalaking yon. Kuha mo?"

Napanganga siya.

Bakit ngayon lang ba siya nakakita ng tao?

Nameywang ako at tinaasan ko siya ng kilay. I could just pin him to the ground or something since mukhang hindi naman siya threat. Kung ibang goons ang taong ito baka kanina pa ako walang buhay sa sahig.

...

...

"Anong kaguluhan ito?"

Napalingon ako sa kaliwa ko. May lalaking may edad na lumabas mula sa kung saan..may mahaba siyang peklat mula sa bandang sentido niya hanggang sa sulok ng labi niya. The scar strike him as a scary person.

Ronan West.

"Cassandra?"-ronan

Tumango ako. Saglit na napahinto siya at nagpalipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa mga tauhan niya hanggang kay Andreige na nakaupo na...this time siya naman ang nasa ibabaw nung lalakeng nagpapapasag sa ilalim niya.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon