CHAPTER 19 ~ Four Hours ~

90.6K 1.5K 65
                                    

CHAPTER 19

CASSANDRA'S POV

Ang unang pumasok sa isip ko ng magmulat ako ng mga mata ng may narinig ako na familiar na tunog...talaga bang sinabi ko yon?

Mabilis na umupo ako at pinilig ko ang ulo ko. Tinignan ko ang alarm clock na patuloy parin sa pagtunog. Exactly four hours after that...that scene. Ibig sabihin lang non, totoo ang mga ginawa at sinabi ko four hours before.

Wala sa sariling ibinato ko sa kung saan ang alarm clock na natigil sa pag-iingay.

OMG.

OMG!

Okay, kumalma ka Cassandra, ikaw ang may kasalanan niyan diba? Sino ba ang nagpakalasing? Sino ba ang halos, no, hindi na makatayo sa kalasingan?

Tumayo ako at nagpalakad-lakad. Maybe I'll just run away from here and hide inside a cave and come back after ten years o kaya hindi na ako babalik kahit kailan. Magpapakaermetanya na lang ako.

Namataan ko sa sahig ang phone ko at dali-dali kong kinuha yon. Pero sino man ang tatawagan  ko? Siguradong kasalukuyang knock out parin ang mga babaeng agents. 

Sino bang pwedeng tawagan?

Me and my big mouth. Ako lang naman ang nagpapahamak sa sarili ko. I dont know what got into me para sabihin ko iyon. I guess iyon ang tinatawag na sinaniban. Sinaniban ako ng spirit ng alak.

Napatingin ako sa phone ko...mukhang wala ding saysay yon-

...

...

Alex.

I hold back a moan. Malala na ako...pati kapatid ko nakakalimutan ko na. Its just that when it comes to Andreige and I...ayoko talagang sabihin kay Alex. It feels..awkward. Kahit na pagbalibaligtarin ko man...

Hindi mababago non na minahal ni Alex si Andreige.

Huminga ako ng malalim at pinindot ko ang call button. I need her.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon