CHAPTER 13 ~ Crazy ~

91.5K 1.5K 51
                                    

CHAPTER 13

CASSANDRA'S POV

Paikot-ikot lang ako sa loob ng bahay ni Andreige. Nasa sala lang siya at nagmumukmok dahil hindi niya magawang makahalik nitong mga nakalaipas na dalawang araw. Napapansin niya kasing nasasaktan ako kapag nadadampian ng kahit na ano ang mga labi ko.

Kaninang umaga din ng mag goodmorning siya sakin ay hindi niya naituloy ang gusto niyang gawin. Pero ang totoo

...

...

Kagabi pa hindi masakit.

^_____^

Inilibot ko ang paningin ko sa bahay ni Andreige. Gusto kong mag bake pero hindi pa ako nakakamove on sa nangyari non sa cookies. Nakakabored na kasi. Ayoko namang manood ng TV dahil sawang-sawa na ako.

Isa pa nandoon si Andreige. The Conqueror of Television. Pastime niyang manood sa TV o kaya manood sa laptop niya ng movie. Mukhang movie ang taong yon eh. Hindi na ako magtataka kung halos lahat ng available movies ay napanood na niya.

Nangalumbaba ako sa lamesa sa kusina. Wala akong maisip gawin.

Pwede naman akong pumunta kaila Quin dahil kauuwi lang nila galing sa pagchecheck sa nanay kong walang kaalam-alam na nasa panganib na siya at tuloy-tuloy parin sa kagagala. SIgurado akong bagsak sa pagod ang mga agents na naka assign sa kaniya.

Matagal ding nagluksa si Mommy kaya hindi namin siya pinipigilan ni Alex sa mga gusto niyang gawin ngayon. Dahil kahit paano nadidistract siya na maisip si Daddy.

Anyway, back to the topic. Gusto ko sanang pumunta kaila Quin ang kaso busy pa sila kay baby Erebus at parang disaster ang bahay nila dahil nag a-adjust pa sila sa pagiging parents.

-__________-

Nag-iinat na tumayo ako. Alam ko na ang gagawin ko. Maglalaba ako.

Pumasok ako sa laundry room ni Andreige. Nasa pink na hamper ang mga damit ko habang sa isa naman na kulay blue ay kay Andreige. Kadalasan pinapalaundry ko lang ang damit ko dahil tinatamad akong maglaba.

At saka parang ang hirap. Kadalasan si Alex ang kasama ko maglaba kaya safe ang mga labahin namin.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon