CHAPTER 12 ~ Lips Party ~

97.6K 1.5K 56
                                    

CHAPTER 12

CASSANDRA'S POV

Nagising ako ng makaramdam ako ng vibration sa paligid ko. May mga naririnig din akong ingay sa baba. Napasimangot ako..isang tao lang naman ang walang pakundangan kung mag-ingay sa bahay na to.

Ano na naman kaya ang ginagawa niya?

Last time sobrang ingay sa baba dahil naisipan niyang i-doggy sit ang aso ng isang guest dito sa The CAMP na nagkaroon ng biglang lakad pero babalik din naman. At dahil sa malaki si Freddy ang Bernese Mountain Dog na alaga ng guest, ay halos nabasag na lahat ng gamit ni Andreige sa paglilikot non dito sa villa.

And isa pang situation noon eh nung nagpabantay naman ng pusa ang isa pang guest na babae rin. Nawala yung pusa at nagtago sa kwarto ko. Halos binalibaligtad na niya ang buong bahay sa kakahanap sa pusa. Nalaman niya lang na nasa akin ng bumaba ako dahil naingayan na ako at nakita niyang dala-dala ko yung pusa.

At iyong pinakahuli ay ng may magpabantay sa kaniya ng love birds. Dahil sa katongekan niya ay pinakawalan niya sa loob ng bahay dahil nalulungkot daw. Ayon, nagising na naman ako sa sobrang ingay kasi ayaw daw bumalik nung mga love birds sa kulungan.

Malamang.

-_________-

Kung bakit naman kasi tanggap ng tanggap ng mga animals dito sa bahay. Hindi kasi makatanggi sa mga babae.

Mukha bang pet shop tong villa niya?

...

...

Napadilat ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Gustong-gusto ko pang matulog dahil hindi pa ako maka move-on sa mga pangyayari kahapon at nanglalata ako. Gusto ko lang mag Cassandra's Sleep ngayong araw na to.

Meaning straight na tulog, na kain at bathroom lang ang makakapagpatigil sakin sa pagtulog.

"Can I come in?"-andreige

"No!"

Wala akong suot na kahit na ano. Nang makauwi kasi kami kagabi ay basta na lang ako naghubad at sumampa sa kama.

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon