CHAPTER 17 ~ Sizes ~

94.4K 1.5K 107
                                    

CHAPTER 17

CASSANDRA'S POV

"Tita, date tayo."

Napatingin ako kay Triton na kasama dito ni Kate at Marveige. Mukhang dahil sa ako lang ang nag-iisang single dito kaya ako ang tinatanong ng batang cute na to. Nag bieber flip pa siya at nag pogi pose.

Pamangkin nga to ni Andreige.

"Ha?"-me

"Date tayo."

"Hindi pwede!"-andreige

Biglang yumakap sakin si Andreige at sumimangot kay Triton na niyakap din ako at dinilaan pa si Andreige. Saglit na nagtama ang mga mata namin ni Kate at sabay din naming pinaikot ang mga mata namin.

Lawrence men.

Seloso, Moody, Sweet talker, Possesive, Playboy at kung ano-ano pa. Si Craige lang ata ang medyo tame...or maybe not. Tahimik lang siguro siya kaya walang nakakapansin. Buti na lang babae ang anak ni Thea. Si Adonis naman hindi naman mukhang may future sa pagiging babaero.

But who knows?

Tumayo na sila Marveige at umalis habang iniipit parin ako ng mag tito na to. Bumuntong-hininga ako at hinayaan na lang sa trip nila.

Pagkaraan ng ilang sandali ay biglang bumalibag ang pinto at pumasok si Snow na tili ng tili kasunod ng natatarantang si Phoenix. Sobrang gulo ng buhok ni Snow na nakatirintas na hindi ko alam kung anong klaseng tirintas dahil gulo-gulo.

Tumalon si Snow at madali naman siyang sinalo ni Rain.

"What's wrong sweetie?"-rain

"Papa! Itirintas mo ang buhok ko! Mali yung ginawa ni Nix-nix!"

Napakamot sa ulo niya si Rain na mukhang walang alam sa inuutos ni Snow. Ibinaba niya si Snow at umupo siya sa sofa at sinimulang tinanggal ang buhol-buhol na buhok ni Snow.

"Bakit hindi na lang si Mama mo?"-rain

The Camp: He's My Secret Agent Bodyguard (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon