Kabanata 1

144K 1.3K 82
                                    

Chapter 1

Kakauwi lamang ni Clarisse sa kanyang tinutuluyang apartment. Pasado alas onse na din ng matapos ang kanyang shift bilang company nurse ng isang kilalang airport.

 Siya si Clarisse Lonzaga. Mag-isa lamang siyang namumuhay sa kanyang apartment dahil nasa probinsya ang kaisa-isa niyang pamilya. Ang kanyang pinakamamahal na lola.

 Dahil sa pagod ay hindi na niya nagawa pa ang magpalit ng damit, maghahating gabi na din ng mga oras na iyon kaya naman dumiretso na lamang siya sa kanyang single bed na kama at nahiga roon. Maliit lamang ang kanyang inuupahang apartement, sapat na iyon para sa katulad niyang naninirahang mag-isa.

 Ilang minuto pa lamang siyang napipikit ng bigla na lamag bumigat ang pakiramdam niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Animo may dumadagan sa kaniya na naging sanhi upang mahirapan siyang huminga.

Napabangon siyang bigla at sa pagdilat niya at ganoon na lamang ang pagtataka niya dahil wala siya sa kanyang silid.  Animo siya nasa isang dimension o masasabi niyang nasa iba siyang mundo.

 Nasa isa siyang magandang silid na napaliligiran nf mamahaling kasangkapan. Naghuhumiyaw ang karangyaan sa silid na iyon. Halos lahat ng kasangkapan sa silid na iyon ay ginto. Tahimik na naitanong ni Clarisse sa kanyang sarili kung nasaan siya.

Tinignan niya ang kanyang kasuotan at nagulat na lamang siya na nakasuot siya ng isang itim na gown. Ganoon na lamang ang pagtataka niya ng dahil ang alam niya ay natulog siya ng naka-uniporme pa din. Napaharap siya sa salamin na nasa aparador, lalo lamang siyang naguluhan ng mapansin na may puting maskara na tumatabing sa kalahati ng kanyang magandang mukha. Hindi niya malaman kung nanaginip lang ba siya o ano kaya naman kinurot niya ng mahina ang kanyang sarili. Nang masaktan ay ganoon na lang ang takot niya lalo pa't nakakasiguro na siya na hindi lamang iyon isang panaginip. Ngunit paano? Ang isang katanungan na gumugulo kay Clarisse ngayon.

“Clarisse? Bakit nandito ka pa? Tara na at bumaba.” tawag sa kanya ng isang matandang babae na kapwa din niya nakamaskara. Napaayos siya ng upo kahit na naguguluhan pa din.

“Sino po kayo?” tanong ni Clarisse sa matandang babae ngunit umiling lamang lang ito.

 “Hindi na mahalaga 'yon Clarisse. Bumaba ka na lamang sa bulwagan at kanina ka pa niya hinihintay.” lalo lamang naguluhan si Clarisse sa mga sinabi ng matanda sa kaniya. Sino ang naghihintay sa kaniya? Hindi pa man din niya nasasagot ang mga katanungan sa isip niya ay nadagdagan pa lalo iyon.

Marahil na rin sa kuryosidad ay lumabas si Clarisse ng silid upang malaman kung nasaan nga ba siyang lugar. Noong una ay nag-aalinlangan pa siya ngunit naisip niya na maaari niyang malaman ang kasagutan kung sakaling lalabas siya. Pagsilip niya mula sa barandilya ng isang engrandeng grand stair case na napalilibutan din ng mga ginto ay ang isang malaking bulwagan na kasalukuyang pinagdarausan ng isang kasiyahan. Ang lahat ay nakasuot ng magagarang damit at natatabingan ng makukulay na maskara. Masasabi mong galing sa maharlikang pamilya ang lahat ng panauhin sa nasabing kasiyahan,

 Elegante ang disenyo ng kabahayan. Hindi naman ito ang tipo na animo ikaw nag time travel dahil nasilip niya na ang ibang panauhin naman ay may kausap sa telepono. 

Dahan-dahang bumaba si Clarisse sa hagdan kahit pa nag-aalinlangan siya dahil naguguluhan pa din siya sa mga nangyayari.

May isang lalaki na nakatayo at nakatalikod sa dulo ng grand staircase. Maganda ang bulto ng katawan ng lalaki. Nakasuot siya ng itim na tuxedo. Bigla na lamang bumilis ang tibok ng puso ni Clarisse habang papalapit ng papalapit ang mga hakbang ng kaniyang paa papunta sa lalaking naghihintay sa dulo ng staircase. Hindi niya magawang pangalanan ang kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon. 

Midnight Lover Duology: Tagpuan (to be publish under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon