Chapter 48 (September 18, 2011)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Talaga bibilan mo ako sa Paris?? ng singsing?" sabi ni Phoebe sabay hampas ulit.

"TEKA-TEKA! Kanina pa ako nakakahalata, panay hampas mo dyan sa dibdib ko ha! Namamacho-han ka na naman sa akin?"

"Hala promise ah bibilhan mo ako ng singsing sa Paris? Yung maganda ha! Yung fab!"

"Fab? Paano yun? Di pa naman ako marunong pumili. Uhmmm! Tama! Papatulong na lang ako kay Elisa!"

Salubong na talaga ang mga kilay ni Phoebe.

"Sige! Ayan ka na naman Ken Tomas!"

"Eto naman inaasar lang eh! Di nga kasi ako marunong pumili! Kaya magpapatulong, maganda yata ang taste ni Elisa."

"JOKE lang!!!" sabay bawi ni Kent.

"Nung isang araw ka pa mukhang Elisa ha!!" #_#

"BIRO NGA LANG!! Halika na nga dito!!"

Niyakap ni Kent si Phoebe. At habang niyayakap niya ito, tinutulak niya ito.

***

Naguluhan si Phoebe kung bakit naglalakad sila ni Kent habang magkayakap. Paatras sila ng paatras.

"KENT??....  KENT NAMAN!!" Alam niya na kasi kung saan sila pupunta. "NOO!!!!"

Nahulog sila sa pool.

"Hahahahahaha!" tawa ng tawa si Kent. Hindi kasi talaga ginagamit ni Phoebe ang pool. Hindi kasi ito marunong lumangoy. "Hwag ka malikot. I've got you!"

"WHA!" umubo-ubo pa si Phoebe. Nakainom ako ng tu-... ng tubig! Kainis ka! Madumi pa yata yung tubig nito."

"Hindi. Pinapalitan ko yung tubig kanina. Okay ka lang?"

Umuubo pa rin kasi si Phoebe.

"Ay TEKA!!!"

Lumaki ang mata ni Phoebe.

"Bakit?"

Naglabas ng napakalalim na buntong-hininga si Phoebe.

"Kainis ka buti na lang wala akong cellphone sa bulsa!! Grabe!! Hoo! Kinabahan ako"

"Haha! Kulit mo engot!"

"Bakit ba tayo nandito sa pool."

"Wala... gusto ko lang magswimming tayo... alam ko kasi hindi pa tayo nagsswimming together." Seryosong sagot ni Kent habang niyayakap si Phoebe.

"Di nga ako marunong lumangoy eh! Diba?" sabi ni Phoebe.

"Eh di yumakap ka na lang sa akin..." sabi ni Kent habang umuurong na naman papunta sa malalim.

"Kent naman eh!!"

Yumakap lalo ng mahigpit si Phoebe kay Kent.

"Di kita bibitawan." Assurance ni Kent.

"Bakit ba? Ano bang trip mo??" kapit na kapit si Phoebe kay Kent dahil kahit hindi naman malaki masyado ang pool nila, malalim naman agad  iyon.

Nang nakarating na sila sa may gitna. Tinitigan ni Kent si Phoebe.

"Holding you feels so right." Bulong ni Kent

Namula si Phoebe.

Pinagsasasabi nitong sungit na toh? Hindi niya ba alam Kinikilig ako. Titig pa lang niya? Kung anu-ano pang kasweetan?

Nakayakap si Kent sa bewang niya at ang dalawang kamay niya naman ay nakapaikot sa leeg nito. Para silang nagsasayaw sa gitna ng swimming pool.

"Alam mo ang sad na ng labi mo." nagsalita na naman si Kent..

Secretly Married (Completed, 2011)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon