[Frndshp] #49

1.2K 16 2
                                    

Ailee's POV

" Aileeeee! Hindi ka pa ba matutulog? " tanong sa akin ni Klyd na humihiga na sa kama niya.

" Wala pa akong gana matulog e. " sagot ko lang sa kanya habang nilalagay ko yung earphones ko sa tenga ko.

" Wow ha! Kailangan palang ganahan ka pa bago matulog? Hahaha. " Sabi naman ni Haycee habang nag iipit ng buhok.

" Oo naman no! Pag wala kang gana matulog hindi ka talaga makakatulog! Osha! Matulog na nga kayo. " sumunod naman yung dalawa. Nag taklob na sila ng kumot nila saka natulog.

Nakasandal lang ako sa header ng kama ko habang nakikinig ng music, tsaka syempre katext ko din si Nathan.

Nagulat nga ako sa kanya. Kaya niya pa palang magising hanggang 12 ng madaling araw. Nag kakainsomia din pala siya.

Dati rati kasi maagang matulog tong nilalang na ito.

To: Babe <3

Babe, tulog ka na?

Ang tagal niya kasing hindi magreply malay ba natin kung tinulugan niya ako o trip niya lang na hindi mag reply.

After 2 minutes nagreply na din siya ...

From: Babe <3

Nope. Hmm, 12 na. Ba't gising ka pa?

Napa isip nalang ako sa tanong niya. Bakit nga ba gising pa ako? Anong sasagot ko? 'Trip ko lang.' edi pinagalitan ako nito.

'Iniisip kasi kita?' masyado namang cheesy. Hahaha. Ayoko ng mga ganyan. Kadalasan na kasing mga JejeGangster na yung nagamit niyang mga line na yan.

Ano kayang peden ---

*kruuuuuu kruuuu krock kruuu *

Napahawak naman ako sa tiyan ko. Gutom ako. -______- Ay! Yung nalang sasabihin ko kay Nathan. Hoho.

To: Babe <3

Nagugutom kasi ako e :3

Lumabas muna ako ng kwarto namin para tignan kung gising pa si Jayle. Naalala ko, siya nalang pala mag isa sa kwarto.

Kelan kaya balik ni Elle <//3 Nakakamiss na siya. Alam niyo yun? Hindi kasi buo yung tropa e.

Sumilip ako sa pintuan nung kwarto ni Jayle. Tulog na siya. Kaya nilock ko na din yung kwarto. Para na din sa safety. Mamaya may pumasok pa na magnanakaaw.

Bumababa na ako at pumunta sa kusina. Ano kayang pagkain namin? Magkakalkal ba ako? Gabing gabi na. -__-

Kung itulog ko nalang kaya ito? Tinignan ko yung cellphone ko, baka kasi nagreply na si Nathan ... pero walang reply.

Tinary ko ulit siyang itext ...

To: Babe <3

Babe?

At after 2 minutes, tinary ko ulit siyang itext ...

To: Babe <3

Tulog ka na ba? Tinulugan mo naman ako e. Sige na nga goodnight na.

Medyo badtrip ako. Pede niya naman sabihin na inaantok na siya nakipag text pa siya sa akin hanggang ... Anong oras na ba? 1 na pala.

Hindi padin ako inaantok. Ano bang pedeng gawin?

Umupo lang ako sa sofa namin at nagisip isip doon. Baka naman dito na ako makatulog sa sala. Ayos! Hoho.

Habang nag iisip ako may narinig akong kotse na tumigil sa tapat ng kapit bahay namin. Sino naman kaya iyon? Wala naman silang kotse e.

Lol. Wala na akong paki sa kanila ang gusto ko lang e ---

Ayan! Nag text si Nathan! ... Bigla akong napatigil sa text niya. Kaya pala *u*

From: Babe <3

Sorry if I took so long. Nagdrive pa ako sa malapit na McDo to give you foods. Nandito ako sa labas nyo. Open the door so that we can eat, together. Under the this beautiful New Moon.

Agad naman akong napatakbo sa labas. Binuksan ko yung pintuan at ayun! Nakita ko nga si Nathan. May dala siyang 3 bag ng McDo.

Para namang ang PG ko no? Hahaha.

" Nag abala ka pa. Pasok ka muna. " sabi ko sa kanya habang nagbigay daan para makadaan siya. Agad naman siyang pumasok.

Nilapag niya yung plastic sa coffee table sa sala saka siya lumapit sa akin at hinawakan yung kamay ko. " Bakit kasi nagpapagutom ka? "

Bakit nga ba ako nagpagutom? Ay! Hindi naman e. Bigla lang nagsalita yung tiyan ko. Teka ... MAY TIYAN BANG NAG SASALITA?!

" Ah eh. Wala kasi akong gana kumain kanina e. Kaya konti lang yung kinain ko. "

" Pfft. Ikaw? Mawawalan ng gana pagdating sa pagkain? Grabe na ituuuu! " bigla ko naman siyang hinampas sa balikat. Ang mean niya!

" Grabe ka naman ha! Sino kaya mas mataba sa atin. Napaka ninto. " tumalikod naman ako. Tampo tampuha, gusto lang naman malambing. Yan tayo eh!

Sa tulad nga ng inaasahan ko. Niyakap niya ako mula sa likod ko. " Huy. Nag tatampo naman kasi agad e. Sorry na oh. Tara kain nalang tayo. Bilog pa naman yung buwan ngayon. "


Pinatong niya yung baba niya sa balikat ko. Kinikilig na ako. Sige na nga bati na tayo!

Bigla akong humarap sa kanya. I cupped his face. " Kahit na pinilipit kong magalit sayo. Hindi ko magawa. Why so sweet ba? "

Ngumiti naman siya. " Well. Pinanganak na gwapo e. " with matching taas pa ng kamay.

" Anconnect? " pinanganak na gwapo? Saan banda. Di ko mahanap. Di din ma process e.

" Hahahaha. Sabi ko tara na kain na tayo. " saka niya ulit kinuha yung pagkain at lumabas na kami.

Umupo kami sa damuhan. Yung paper bag nalang yung ginawa naming patungan ng mga pagkain.

Habang inaayos ni Nathan yung pagkain. Hindi ko mapigilan at matulala sa buwan. Ang ganda kasi. Perfect circle ang hugis niya.

Nabaling ang tingin ko kay Nathan ng bigla niyang itapat sa muka ko yung kutsara na may laman na kanin at pirasong manok.

Kaya naman sinubo ko yung kutsara.

" Ang ganda ng buwan 'no? " napatingin nanaman ako sa bilongang hugis ng buwan.

" Oo. Kasing ganda mo. " sabay wink sa akin ni Nathan.

Hindi ko mapigilang ngumiti sa ginawa niya. Inakbayan niya ako at sabay kaming tumingin sa Bilog na buwan.

" I wish I could cuddle you everyday under this magnificent moon. " napatingin ako kay Nathan. Nag eenglish ang loko. Hahaha.

" Pede pa naman e? "

" Oo nga. Pero paano kung bumalik ka na sa Korea next school year? Wala na akong macucuddle ng ganito. Diba? " I just smiled.

" You know what? Let's just enjoy this day and moment. And treasure it for a long time. " sabi ko sa kanya habang nakatingin sa buwan.

Totoo pala yung mga napapanood ko sa mga movies at mga nababasa ko sa mga books..

Na wala nang susweet pa kapag mag kasama kayo ng pinaka mamahal mong tao...

At tinitignan at Buwan sa gabing madilim.

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now