[Frndshp] #41

1.4K 21 2
                                    

Ken's POV

Whoo! Hi. HAHAHA XD Ngayon na yung birthday ni Loves. Ay, nadulas ako

Tuwing inaasar nila ako kay Jayle sasabihin ko na, hindi totoo. Sasabihin ko na friends lang kami. Pero hindi talaga maiiwasan e. Diba?

Lalo kapag sa simula palang mahal mo na talaga siya. Alam ko dati na SIYA na nga. Nakita ko na kasi siya nung bata pa kami.

At ayun! Nainlove ako sa kanya noon. Siguro mga grade 5 na ako noon. Hindi ko alam ang pangalan niya. Nagkita kami kasi nawawala siya noon.

Kaya nilapitan ko siya ...

Flashback ...

" Hi Miss. " may nakita akong babae na umiiyak sa tabi nung ice cream shop. Ewan ko ba kung bakit.

" Wag mo ko kausapin hindi kita kilala. " sabi niya lang sa kin. Ang sungit niya naman -____- umupo ako sa tabi niya.

" Ako nga pala si Pao. Ikaw? " tumingin siya sa akin tsaka nya ako inirapan. Tumayo siya at iniwan ako. sino ba yun?

Napatingin ako doon sa inupuan niya kanina. Naiwan niya yung bracelet niya. May nakasulat na 'J'

End of Flashback ...

Hinanap ko siya. Pero hindi ko talaga siya mahanap. Hanggang sa ngayong college na kami. Masaya ako dahil nakita ko na sya.

" Seryoso ka ha? Anong iniisip mo? " napatingin ako sa nagsalita si Jayle. Nasa cafeteria kami ngayon. Pinapaalam ko siya kina Ailee.

Na sana ngayong birthday niya gusto ko ako lang yung kasama ni Jayle. Syempre, matagal ko siyang hinanap e.

" Bakit ba tayo nandito? Anong trip mo nanaman Ken? " seryoso niyang sabi habang paupo ng silya sa may harapan ko. Nag smile ako sa kanya.

Aaminin ko na ba? Wag! Oo! wag! Nako Ken! Ito na nga yung hinaantay mo e. Kaya mo yan! Whooo! Si Jayle lang yan Ken!

" Jayle " napatingin sa akin si Jayle habang inaayos yung buhok niya. Ano ba Jayle wag ka nga! Naiinlove ako sayo.

" May regalo ako sayo. " kinuha ko yung box na nasa bag ko. Saka nilapag sa table. Napatingin naman sa akin si Jayle saka niya binuksan yung box.

Nanlaki yung mga mata ni Jayle. " Yung bracelet ko. " napatingin naman siya sa akin. Saka napatignin nanaman siya sa Box.

" Saan mo nakita to? matagal na itong nawala sa akin. Simula nung Grade 5 ako non. Nakaupo ako non sa gilid ng Ice Cream shop, tas kinausap ako nung lalaki non. Pag alis ko wala na yun -- " napatingin ulit siya sa akin. Kumunot naman yung noo niya.

" Ikaw si Paolo? " tumungo ako at tumango sa kanya. Hinawakan niya yung kamay ko saka ako napatingin sa kanya,

Nakangiti siya. Hindi siya galit sa akin.

" Matagal na kitang hinahanap. After the day ng nagpakilala ka sa akin. Hinahanap kita. Kaya pala mabilis yung tibok ng puso ko sayo. Kasi nakita ko na yung matagal ko ng hinahanap. " ngumiti naman ako sa kanya. Hinawakan ko din yung kamay niya.

" Mahal kita Jayle. " yung ngiti ni Jayle ngayon ay parang naiiyak iyak siya.

" bakit? " kinakabahan kong tanong sa kanya. Nako naman Jayle e.

FRIENDSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon