[Frndshp] #48

1.3K 20 0
                                    

Jayle's POV

" Oh? Ken? Ang aga mo naman. Sabi ko diba mga 1 pa. " nagulat kasi ako kay Ken. May project kasi kami e. Kami yung magkagroup.

Para ito sa ... MALAY KO BA XD Hindi ako nakikinig noon e. Ang sinabi lang e gumawa daw ng isang putahe. Tapos ayun.

Hindi ko pa alam kung anong lulutuin namin ni Ken. Actually, kung ano palang lulutuin ko. Hindi kasi nag luluto tong si Ken e.

Baka masunog lang yung lutuin niya. Sayang naman. Oww! Sama ko

" Naexcite lang ako Jayle ko. Pasensya ha. " sabi niya saka siya pumasok sa loob.

Magtatapos na yung school year kaya hindi kami pumasok ni Ken. Gagawin nalang namin itong project namin.

Namimiss ko na si Elle. Bigla ko lang siyang naisip. Hindi na namin siya matawagan kasi masyado nadin kaming busy ngayon. Lalo na inaayos yung mga clearance namin.

Hindi na natapos nina Elle at Rhanz yung 1st year college nila dito. Siguro doon na sila sa Amerika mag aaral. Hmm. Nakakamiss sila.

Pero sana bago kaming mag 2nd College buo muna kami. I heard kasi na babalik sa Korea si Ailee para doon siya mag aral na. Sabi daw ng papa niya.

Si Klyd naman babalik din sa Europe. Kinukuha na kasi kasi siya ng mama niya e. Wala na daw kasama kaya ayun!

Si Haycee naman ata sa Korea din. Nako! Magkakahiwa hiwalay na kami. Ako nalang natira dito sa Pilipinas kasama yung mga unggoy na lalaki ...

" Hoy! Tulala ka jaan? Sinong iniisip mo? Nakakaselos naman. " biglang nag pout si Ken. Ay? ng arte naman ng lalaking to.

Umupo ako sa tabi niya saka ko siya niyakap ng paside. Pinatong ko yung chin ko sa balikat saka tumingin sa kanya. " Bakit ka nagseselos? Wala naman dapat na pagselosan e. "

Nagpout lang siya saka tumingin sa akin. " Meron. Yung iniisip mo. "

Ang cute niya talaga kapag nakapout. Kinurot ko yung ilong niya. " Sus! Nag seselos ka kay Elle? Hahaha, Sige na simulan ko ng magluto ha. "

Tumayo na ako at pumunta sa kusina. Pero nagulat ako nung sumunod siya sa akin. " Oh? Bakit Ken? Tawagin nalang kita pag may kailangan ako. "

Nakatingin lang siya sa akin habang naka patong yung isang kamay niya sa counter. " Edi pumunta lang ako dito para utusan mo? "

Lumapit ako sa kanya at yumapos ako sa may leeg niya. Nakatingin ako sa mga mata niya. " Hindi naman sa ganon. Eh diba sabi mo sa akin dati na ayaw mong magluto? "

Talaga namang sinabi niya sa akin yun e. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero siya na mismo nagsabi na ayaw niyang magluto.

" Excited pa naman akong pumunta dito sa bahay niyo para sa sabihin sayo yung mga natutunan ko kanina. Nagpaturo kasi ako sa Ate ko magluto tsaka magbake. Nahihiya naman kasi ako sayo kung ikaw lang yung kikilos. " saka ko naramdaman yung kamay niya na nakapulupot sa bewang ko.

" Nagpaturo kang magluto? " sinisigurado ko lang naman e. Malay natin joke time lang tong si Ken.

Tumango tango naman siya. Edi totoo nga? Seryoso din kasi yung mukha niya e. Napakalas ako ng pagkayakap ko sa kanya.

FRIENDSHIPTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon