[Frndshp]#46

1.4K 20 3
                                    

Haycee's POV

" Ayaw mo na ba sa kanya? Ayon sa nalalaman ko. Si Yexel ang lalaking nagpakalimut sa nakaraan mo. Siya din ang lalaking nag mahal sayo ng ganito. " nakatingin lang ako sa kisame habang nag sasalita si Klyd.

Ewan ba, parang nababaliw na ako. Hindi ko na kung anong gagawin ko. 5 araw na din yung nakakalipas simula nung pinagtabuyan ko si Yexel dito sa bahay namin.

5 araw na din siyang hindi nag paparamdam sa akin. Hindi nag tetext, hindi natawag. Tuwing nag fafacebook ako. Pag nag oonline ako nag oofline siya. Ganyan lagi. TANGA ka ba Haycee? Tinaboy mo nga yung tao tapos hahanap hanapin mo?

Aaminin ko. Namimiss ko na si Yexel. Namimiss ko na yung pangungulit niya sa akin. Sana naman wag siyang magalit sa akin.

" Huy! Ano ba naman Haycee? Nakikinig ka ba sa akin? " napatingin ako kay Klyd na nakaharap sa akin.

Tumingin naman ako sa kanya. " Ano ulit sabi mo? "

" Ano ba yan! Muka ka kamong naka Weeds. Yung totoo Haycee? Sabi ko, nagtext sa akin si Yex. " bigla naman akong nabuhayan sa sinabi ni Klyd.

Minsanan nalang din kasing magtext si Yexel kina Klyd e. Talagang hindi siya nag paparamdam. Grabe na no? Miski sa school ganito kami. Madalas na hindi nag papansinan.

" Muka kang nabuhayan ha? Sabi niya Miss ka na daw niya. Kamusta ka daw. Nako! Pede naman mag text nalang sayo. Ako pa ginawa niyong messenger. " sabi niya habang nakatingin sa cellphone niya.

Iniisip ako ni Yex? Tama na! Muka ka ng buang Haycee. Ano ba? Act like a normal person naman Haycee!

Bigla naman inabot sa akin ni Klyd yung cellphone niya saka tumingin sa akin at parang sumisenyas sa mga mata niya na 'KUNIN MO NA'

Kaya tumingin ako sa kanya. Bago sa cellphone niya ulit. " Anong gagawin ko sa cellphone mo? "

Bigla naman siyang sumimangot. " Kakainin. Mukang gutom ka na e. "

Sinamaan ko naman siya ng tingin. " Di mo talaga gets? " napahinga naman siya ng malalim. " Ikaw na mag reply. Tutal para sayo naman yang text niya e. "

Bigla naman siyang tumayo at iniwan yung cellphone niya sa akin. Bago siya umalis humawak siya sa balikat ko. " I want the old Haycee back. Ok? I don't like this new Haycee e. Parang laging naka HIGH kasi. " saka siya tuluyang umalis.

Binasa ko yung message ni Yex kay Klyd.


From: Yexel Ilano

Elaine. Musta na si Haycee ko? Kumakain ba siya ng madami? Miss ko na siya pasabi naman sa kanya ha. Tsaka pasabi nadin na lagi ko siyang iniisip. Tsaka last na pahabol. Pasabi na MAHAL NA MAHAL KO SIYA KAHIT PINAGTABUYAN NIYA AKO.

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa text ni Yex. Kaya nireplyan ko siya.

To: Yexel Ilano

Ok lang siya Yex. Nakain naman daw siya. Pasensya ka na daw sa nangyari na pagtataboy niya sayo. Gulat at nasaktan lang si Haycee ng todo non. Alam ko naman na Miss ka na din ni Haycee. Tsaka alam ko din na. Mahal na mahal na mahal na mahal ka niya. Nafefeel ko. :)

Namimiss ko ng katext si Yex. Pag kasend ko nung message ko sa kanya. Nilapag ko na yung cellphone ni Klyd sa table saka lumabas ng kwarto.

Now ... The Old Haycee is Back. :)

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now