[Frndshp] #44

1.3K 21 3
                                    

Yexel's POV

" Ano? Nag text na si Haycee? " tanong sa akin ni Nathan na nakaupo sa sofa at nakataas pa yung dalawang paa sa coffee table.

Hindi pala namin nasabi sa inyo na nag dorm kami. Wala lang trip namin gayahin yung girls XD Dejoke. Gusto daw nila yung ganito na mag kakasama kami sa iisang bahay.

Dang babakla e -____________-

" Hindi pa nga pare e. Kinakabahan na ako. Baka naman kung ano ng nangyaring masama sa kanya. " sabi ko sabay patong nung dalawang braso ko sa hita ko. Naiimagine niyo ba?

" Nako! Baka naman walang nangyari sa kanya kundi ... " napatingin ako kay Ken.

" May nagawa kang masama sa kanya. " pagapatuloy ni Je sabay akbay kay Ken. Binato ko naman sila ng unan.

" Hahahaha, guilty pare? Hahaha, malay mo naman tama nga sila. Nakita ka ni Haycee na kasama mo yung EX mo. " sabay tawa nilang lahat. Dang gagago nila a.

" Hoy! Hindi ako katulad mo Nathan na nagtago kay Ailee na naging shota mo yung ate niya. Tss, wala akong tinatago kay Haycee no. " sabi ko sabay sandal sa upuan.

" Hindi naman namin sinasabi na may tinatago ka e. Ang sinasabi namin baka nakita ka ni Haycee. " sabi ni Je sabay nag thumbs up si Ken.

" See? Naguguluhan ka! Hahahaha, edi may pagkakataon na nakita ka ni Haycee na kasama si Ex mo. " napatingin nalang ako kay Ken.

Nakita kaya talaga ako ni Haycee non? Nakakainis! Kaya pala ganito si Haycee sa akin, hindi siya nag tetext sa akin kasi nakita niya kami.

Nagkita kami ng Ex ko dahil sinabi niya na may bibigay siya sa akin. Yung necklace na binigay ko sa kanya noon. Sabi niya na hindi daw siya yung may kailangan non.

Eh! Buset siya! Kailangan ko makipag kita sa kanya ulit at isuli yung necklace. Ayoko na makita yun! Yung necklace na yun ay punong punong ng bad memories. Ayoko ng makita yon!

" San ka punta? " tanong ni Nathan sa akin. Napatayo kasi ako.

" Makikipag kita kay Kim. " sabi ko sabay labas. Nakapang lakad na naman ako e. Nasa bulsa ko na din naman yung cellphone ko at yung pera ko. Yung kwintas nasa isang bulsa ko.

To: Kim

Magkita tayo ngayon! Sa Park!

Binilisan ko yung lakad ko. May malapit lang naman na park dito sa amin e. Kaya pede ko ng lakarin.

Maya maya lang nag vibrate yung cellphone ko.

From: Kim

OK. Im here na, sakto ka. Hahahaha, may binili kasi ako. Nandito ako sa may bench nakaupo.

Ang bilis naman talaga ng babaeng to. Matext nga muna si Haycee.

To: Hillary'Noo <3

Noo! Musta ka na? Mag reply ka naman <//3

Habang nag lalakad ako. I'm hoping na mag reply siya sa text ko. Pero wala e. Ilang minuto na yung nakakalipas pero wala pading text. Ah! Hayceee! <//3

Humanda ka sa akin Kim.

Nakita ko na si Kim nakaupo sa bench. Nakita niya din ata ako kaya napatayo at lalapit sa akin. Akmang ibebeso niya ako pero hinarang ko yung kwintas sa muka niya.

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now