[Frndshp] #45

1.3K 20 1
                                    

SEGWAY!

Konting segway lang guys. Pabasa po ng Dreaming of You. Nasa works ko po sya sa profile. Thankyou :)

-----

Haycee's POV

Hindi ko na alam kung nasaan na ako. Hindi ko din alam kung ano na ang nangyayayari. Basta. Umupo nalang muna ako sa isang tabi at saka umiyak ng umiyak.

Yung plano ko wala na. Wasak na. Ano pang gagawin ko dun sa mga heart heart na ginawa ko kanina? Ano? Wala na! Papatapon ko nalang!

Winasak ng isang YEXEL ILANO ang tiwala ko sa kanya. Sinabi niya na ako lang ang mahal niya. Sinabi niya na ako lang wala ng iba. Sinabi niya na gagawin niya ang lahat para lang maging masaya ako.

Oh? Ano na nangyari? Talaga bang ayaw akong pagmahalin ulit ni Lord? Talaga bang sign to na wag muna ako magmahal?

Wala eh! Kitang kita ko ang mga nangyayari kanina. Hinawakan ni Yex yung kamay nung babae. Na tawagin na natin sa pangalan na Kim.

May binigay siyang Necklace. Nakakaselos kasi. Dahil YUNG MAHAL MONG TAO NAKIKIPAG LANDIAN SA IBA. Yung feeling na ganon? Sarap pumatay ng tao.

At dahil hindi ko na alam kung nasaan ako. Napag disisyunan ko na umuwi na ako. Sumakay ako ng isang tricycle. Hindi ko kasi kaya maglakad. Nahihilo ako.

" Haycee! In Jesus name. What happened to you? " pamungad sa akin ni Jayle habang nagdidilig siya. Pero binitawan niya naman yun at una akong inasikaso.

" OhMyGOD! What happened? Yung muka mo! May sumapak sayo? " tanong naman ni Klyd habang may dala dalang mic. Ang vivideoke nanaman siguro to?

" In pete's sake Haycee. Muka kang nirape. Bakit hindi mo kami tinawagan kanina? Ano ba kasi nangyari? " napatingin naman ako kay Ailee na kakalabas lang ng bahay.

Tinignan ko lang silang tatlo saka ako pumasok ng bahay ng walang imik. Hahawakan na sana ni Klyd yung kamay ko para patigilin ako pero sinuway siya ni Ailee.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay tumakbo na ako papasok ng kwarto. Gusto ko muna mag isa. Ayoko na! Hindi ko na kaya. Masakit kasi yun e. MASAKIT NA MASAKIT.

Ailee's POV

" Ano ba sabi niya sayo? " tanong ko kay Jayle.

" Wala naman siya sinasabi. Hindi nga naimik e. Ano kaya nangyari kay Haycee? " sabi ni Jayle sabay pose nung parang nag iisip siya.

" Nako! Baka naman nasapian na si Haycee. OMO! " OA na sabi naman ni Klyd at nag sign of the cross. Kahit kelan talaga tong mga to.

" Teka lang guys ha. Hindi ko na makaya. Kakausapin ko lang si Haycee. " pagpapaalam sa amin ni Klyd.

" Wag na. Baka gusto lang muna mag isa ni Haycee. " sagot naman agad ni Jayle habang pinagpapatuloy yung pag didilig niya sa mga halaman.

" Baka kung ano pang gawin nun. Kailangan niya din naman ng karamay no. " saka na pumasok si Klyd sa loob. Sana naman mag dahan dahan sa pag sasalita si Klyd.

Nakasandal lang ako sa may arko ng main door namin habang nag iisip at nakatingin lang sa kawalan.

" Ano kaya sa tingin mo Jayle yung totoong nangyari kay Haycee? " nabaling yung tingin ko kay Jayle.

FRIENDSHIPWhere stories live. Discover now