[55] Set-up Failed

423K 9K 2K
                                    

[55] SET-UP FAILED

***3 days later***

NATHAN'S POV

Medyo namimiss ko na ang presence ni Chelsea kaya naman tinext ko siya na maglunch kami ng sabay sa labas ng campus. May klase pa raw siya kaya naman naisipan kong mauna na dito sa Starbucks. Hindi naman ito kalayuan sa E.H.U kaya naman maraming east higher students ang kumakain dito.

12:45PM na ang oras nang sumilip ako sa wrist watch ko. Ang tagal ni Chelsea. Napakahinhin kasi kumilos ng babaeng yun. Tiyak, mabagal din ang lakad niya =_________=

Panay lang ang tingin ko sa entrance ng coffee shop. Imbes na ang inaasahan kong tao ang makita ko, sina Dustin at Chloe ang pumasok. Agad ko naman silang kinawayan.

"Chloe!"

Lumingon sa direksyon ko si Chloe. Nabigla pa ang reaksyon niya pero hinila niya naman agad si Dustin palapit sa table ko.

"Nathan, bat nag-iisa ka?" Umupo silang dalawa sa seat kaharap ko. "Dito nalang kami ha?"

Tumango lang ako. "Hinihintay ko si Chelsea."

"Ahhh... Hindi ba break na kayo?" Chloe asked me.

Nagshrug lang ako. "Yes, but we're good friends."

Nag-order lang si Dustin para kay Chloe ng cheesecake at ng frappe tapos ay nagpaalam na rin siya. Inaantok daw kasi siya kaya gusto niyang matulog. Medyo nag-away pa ang dalawa sa harapan ko pero tingin ko normal na sa kanila yun. Masyadong opposites ang ugali nila sa isa't-isa eh.

"Kamusta ka naman?" Napahinto ako sa paghigop ng frappe ko sa tanong niya.

"Ayos naman..." =.= Pero ang totoo, hindi naman talaga.

Nag-troll face lang siya sa akin kaya napakunot-noo ako. "Wushu~!" Tinulak pa niya ng mahina ang noo ko. "Sa mukha mong yan, parang hindi naman!" (~~,)

"Ayos lang talaga ako. Puyat lang ako kaya naman ganito ang itsura ko."

Ngumiti siya ng nakakaloko habang tinititigan ako. "Nathan babe, matanong lang kita ah..." Tumayo siya at lumipat sa tabi ko. Sinapian na naman ng pagkaimbestigador itong babaeng ito. "Alam ko na inamin na sayo ni Kaye Anne na alam mo na~"

Anak ng tupa! Ayan na naman yang topic na yan. Bigla tuloy akong pinagpawisan ng malagkit.

"Tapos, sobrang bilis ng pangyayari... Then boom!" Napapitlag pa ako sa pagkagulat. "Biglang sinagot ni Kaye Anne si Austin sa harapan mo pa mismo." She sweetly smirked. "Anong reaction mo dun?"

Umiwas ako ng tingin at tuloy-tuloy na hinigop ang frappe ko. Shete lang! Nagkandapaso-paso pa ang dila ko. Nakakataranta eh! >_____<

"Aish! Ano bang klaseng tanong yan?!?"

Siniko niya ako sa tagiliran ko. "Isa itong tanong na nangangailangan ng kasagutan! Now tell me Nathan babe, what was your initial reaction after witnessing that uber sweetie moment of them?" *_*

Bumuntong-hininga ako para mabawasan ang pagkakaba ko. Parang timang lang eh! Kapag tungkol kay Kaye Anne ang usapan, umuurong ang dila pati ang utak ko, nadidissolve. ~_______~

"Bakit mo naman kailangan malaman?" I asked her.

"Wala naman... Bilang isang kaibigan, nacucurious lang ako." She eyed me with a devilish smile. Yeah, devilish. Nakakakaba lang talaga. "Hindi sa chismosa ako ah, pero nalaman ko rin na nagbreak din kayo ni Chelsea."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon