[49] All About Her Past

556K 9.6K 6.1K
                                    

[49] ALL ABOUT HER PAST

 

I was 14 years old back then since I first met him. Sa East High Academy ako nag-aral buong highschool years ko. I always got to belong to the Star Section since matalino naman ako. Kaya lang, hindi ako masaya sa pagiging section one student. Why? It's because I didn't get a chance to take glimpses of him.

Tristan Kurt Lee.

I met him by accident. Naglalakad ako papunta sa school isang araw nang biglang may humarang sa akin na dalawang malalaking lalaki. On how they look, mukha silang basagulero sa kanto. Iniwasan ko lang sila at walang ano-ano ay dinaanan ko sila. Hindi ko pinahalata na takot na takot ako. Baka kasi lalo nila akong pagtripan. Hindi pa man ako nakakalayo, someone grabbed my left arm and forcedly dragged me into the street's isolated corner. That guy with lots of dirty tattoo pinned me on the wall.

"No, please! Huwag niyo akong sasaktan!"  I pleaded and they just smirked at me in return. Marahas nilang kinuha ang bag ko at kinuha pati wallet at phone ko sa loob.

"Please, let me go! Hindi po ako magsusumbong. Just let me go..."  Pagsusumamo ko habang hawak-hawak ako ng isang lalaki sa magkabilang braso. Tumatagaktak na ang pawis ko pati na rin ang luha ko. I've never been afraid like this before.

 

"Ayos 'to, brad! Mayaman..."

"Oh ano, kunin mo na rin yang bag, 'tol! Mukhang mamahalin din eh," sabi nung isang nakahawak sa akin. That Louis Vuitton bag is really expensive! He looked to me with a mocking smile on his face. Napapilig ako ng ulo nang ilapit nito ang mukha niya sa akin. This guy is a maniac! "Ayos din ito. Maganda na, mayaman pa. Pwede bang patikim?"

"N-no, please..." Nagsimula na akong humikbi. My knees were trembling. I tried to kick his balls off but he was so fast that he held my leg tight. Mas lalong lumakas ang iyak ko nang maramdaman kong hinawakan ako nung isa pang lalaki sa leeg ko. He even aimed his gun on my neck.

"Huwag kang sisigaw, miss, kung ayaw mong dumanak ang dugo mo dito."  Tumawa siya ng mapakla. "Ang sayang tignan ng bunsong kapatid ni Morris na umiiyak sa harapan natin. Paano pa kayo kung marinig pa natin ang ungol niya?"

I knew it. They're my brother's another gang rivals.

PAAAAAAAAAK!

Napapikit ako nang maramdaman kong sinampal ako nung lalaking nagtutok sa akin ng baril. Sa sobrang lakas, tila namanhid ang kaliwang pisngi ko. "Kung hindi man kami makaganti sa Kuya mong maangas, pwes sayo nalang."  He leaned his face closer to me. Sinubukan kong umiwas kaso nahawakan na niya ng mahigpit ang mukha ko. He then licked my earlobe that made me feel awful. "Miss Valencia, kapalit ng sinirang kotse ng Kuya mo sa akin ay ang pagpapaligaya mo sa amin. Kaya huwag kang magkakamali na sumigaw kundi papatayin kita dito."

"Tara na, 'tol!"

 

Hinigit na nila akong dalawa mula sa masukal na eskinita na iyon. They even wiped my tears with their hands, tapos ay parehas nila akong inakbayan palabas ng kalsada like nothing happened.

"Subukan mong tumakas kundi isang saksak ka lang nito," pasimpleng bulong sa akin ng lalaki habang patagong idinidiin ang balisong niya sa tagiliran ko.

I didn't know what to do anymore. Babae lang ako na walang kalaban-laban. Nakarating kami sa tapat ng dalawang motorbike. Bumitaw sa akin yung isa at sumakay na sa motorbike niya. Without removing his grip to mine, binulungan ako ng taller guy, "Now, ride on."

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon