[50] Black Ace

424K 9.5K 2.5K
                                    

[50] Black Ace

 

THIRD PERSON'S POV

 

***X10

 

"Hindi pa ba gigising yan?!" Naiinip na tanong ni Jake.

He was pertaining to the guy that Alex caught leaving a basket of apples with a death threat. Nakaupo ito sa isang wooden chair habang nakatali ang dalawang kamay nito sa likuran. At kasalukuyan itong walang malay.

"Napagod yata kakapumiglas eh." Kalmadong sambit naman ni Alex.

Ngayon ay nagtipon-tipon sila sa kanilang secret hideout. Dito rin nila dinala ang lalaking nahuli ni Alex. They gathered a lot of information about Stephanie Mariz Valencia with the help of Derrick. Nalaman nilang isa sa mga naging ex-flings ni Kurt ang gumagawa ng kataran-taduhan na ito kina Gail.

A pregnant woman named Stephanie Mariz Valencia and was kept on running after Kurt because of the child inside her.

"Hindi ko alam na magagawa ito ni Stephanie. Imposible," mahinang sabi ni Kent na narinig naman sa apat na sulok ng kwartong inookupahan nila. Kent was Stephanie's ex-boyfriend. At nalaman nalang ng huli na ginamit lang pala siya nito para mapagselos ang pinsang si Kurt.

"Nagawa na niya, dude." Sabay tapik sa balikat niya ng kakambal na si Brent.

"Mabait si Stephanie..."

Lumapit sa kanya si Arthur at umupo sa tabi niya sa monobloc chair. "Dude, suicidal yung babaeng yun. Naalala ko, sinamahan ko pa si Master na makipagbreak dun eh. Tinakot pa nga niya si Kurt na magpapakamatay siya kung hihiwalayan niya raw siya. Tsk tsk!"

Kent never introduced her ex-girlfriends to the gang as well as his gangmates. Exemption nalang sina Alex, Dustin, at syempre si Kurt. They respect their privacy most especially their lovelife.

"Sigurado ba kayong si Stephanie ang may pakana nito? Baka naman nagsisinungaling yang damuho na yan!" Bulyaw pa nito habang nakaturo sa lalaking walang malay.

"Dude, sinabi niya na yung pangalan eh." Jake said with a smug on his face. "And besides, napakalaki ng posibilidad na siya ang gumawa nito. Nabuntis nga RAW siya ni Master diba?"

"Nabuntis?" Kent's voice was full of sarcasm. "Imposible namang nakipag-one night stand si Kurt few months ago. Nakatuon ang atensyon niya kay Gail kahit hindi pa siya nakakauwi dito noon."

"Yeah, Kurt's into Gail ever since..." Dustin commented.

"Pero, malay nga natin... Naikama nga niya si Stephanie. Who knows? Maganda si Stephanie at mabait pa. Kilala ko yung tao. Hindi niya magagawa ito."

Sumabat na si si Toffer dahil sa inis niya. "EH SINO BANG KAIBIGAN NATIN DITO, KENT? YANG STEPHANIE NA SINASABI MO O SI KURT NA KAIBIGAN NATIN? PURO KA STEPHANIE EH! NYEMAS!"

Tatayo na sana si Kent para sugurin si Toffer pero naawat na siya ng kakambal. "POTEK! EH SIRA-ULO KA PALA EH! HINDI NIYO KASI KILALA SI STEPHANIE... HINDI NIYO PA SIYA NAKILALA NG PERSONAL PERO KUNG MAKAPAG-ISIP KAYO TUNGKOL SA KANYA, ANG SAMA-SAMA! PINAGHIHINALAAN NIYO AGAD! NANIWALA NAMAN KAYO AGAD SA UGOK NA YAN! PAANO KUNG PINAGLALARUAN NIYA LANG TAYO???"

Alex motioned them to hush. "Enough!" Nilapitan niya si Kent at tinignan ito ng seryoso. "We're on the Kurt's side, Kent. Huwag mong kampihan ang ibang tao. Kahit pa na ex mo siya, mas kilala pa rin natin si Kurt. Mabait man o hindi 'yang Stephanie na sinasabi mo base sa pagkakakilala mo sa kanya, hindi pa rin matutumbasan yun sa ilang taon na pagiging kaibigan natin si Kurt. Maliwanag ba?"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon