[70] Argument

382K 8.4K 7.1K
                                    

[70] ARGUMENT

GAIL'S POV

For the nth time, nandito na naman ang gangmates ni Kurt para yayain siyang lumabas. But this time, they're complete. Siyam na silang nagpunta dito para sunduin si Kurt. Kaya pipilitin ko talaga siya na sumama sa X9. I hope he'll come with them.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko, bumungad sa akin si Kurt na hinahawakan ang life-sized monkey na binili niya noon sa Hongkong. Napangiti tuloy ako sa nakita ko.

"Kinuha mo yan sa closet ko?" I asked as I walked towards him. Umayos siya ng upo sa kama at patuloy na pinagmasdan ang stuffed toy.

"Yeah, bakit ka may ganito?"

Niyakap ko ng pagkahigpit-higpit ang monkey. "Binili mo ito para sa akin. I know it sounds so ridiculous, pero naglihi talaga ako sa unggoy nung first trimester ko. Ang pinabibili ko nga sayo noon ay yung totoong monkey eh. Pero eto nalang yung binili mo." Nginitian ko siya, "Sa Hongkong mo 'to binili, Kurt."

"Oh," he grimaced and then pulled me away from the monkey. He smiled warmly to me, "Pasyal tayo ngayon, Gail? Pumunta tayo sa mga pinupuntahan natin dati? Sa campus, sa mall, basta kahit saan."

"Nah, kahit gusto ko, hindi pwede, Kurt." Tumayo ako at hinila rin siya patayo. "Sumama ka sa X9 ngayon. Hinihintay ka na nila sa baba."

For a brief second, he looked to me irritatingly. "I don't want to. Tayo nalang ang umalis."

"No," I said. "Please, Kurt? Marami tayong time para sa isa't-isa." I paused and sighed, "Kung babawasan mo ang time mo para kay Stephanie, mas marami akong ipapakita sayong lugar." I tried to sound normal. Yung tipong hindi ako affected sa babaeng yun kahit na ang totoo ay naiinis ako sa kanya.

Umiwas siya ng tingin at hindi na kumibo pa. Kinuha ko kaagad ang kamay niya kaya naman napatingin siya sa akin. Hindi pa rin talaga ako sanay sa soft expression ng mukha niya. Dati kasi ay proud at arrogant ang dating niya eh.

"Mas marami silang ipapakita sayo, Kurt. Mas matagal mo silang nakasama kesa sa akin eh," I pulled him to give him a warm embrace. Kahit na ginagawa sa kanya ito ni Stephanie, sana maramdaman niya na iba ako sa kanya. "May problema ka ba sa X9, Kurt?"

"Wala..." He hugged me back. "Sige, sasama na ako sa kanila."

"Talaga?" I pulled away from the hug and stared at him with joy. "Ako na ang pipili ng damit mo ha? Sigurado ako na matatagalan kayo sa pupuntahan niyo."

Maya-maya lang ay nakaalis na sina Kurt kasama ng X9. I'm happy seeing them complete after what happened to Kurt. Siguro, naiilang lang siya sa kanila. Sana, makatulong sila sa pagrecover ni Kurt.

I walked towards the sofa bed and sat on it comfortably. Mag-isa na naman ako sa unit ko pero ayos lang, nasanay naman na ako eh. Tuwing pupuntahan kasi ni Kurt si Stephanie, lagi akong ganito. Kung hindi manunuod ng TV, nagsa-sight seeing nalang ako dun sa veranda.

It has also been a week since I texted Stephanie but I never received any message from her in reply. Siguro, hindi talaga siya interesado na kausapin ako. Ayoko naman na bigla-bigla nalang siyang puntahan sa bahay nila. Although, hindi ko alam kung saan siya nakatira. I could still ask help from Butler, right? Ayoko lang siyang bisitahin ng walang pasabi. Hindi kasi naging maganda ang unang encounter namin. We had an emotional confrontation.

I was about to get off myself from the sofa when my phone suddenly rang. I immediately fished it out from my dress' pocket and looked who's calling. Surprisingly, it's Stephanie.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon