[54.2] X10's Sweet Revenge

519K 10K 6.6K
                                    

[54.2] X10'S SWEET REVENGE

X10'S POV

Kasalukuyang nasa isang exclusive subdivision ngayon ang X9. Sinadya nilang sa ganitong klaseng lugar sila magkita ng Black Ace para na rin walang sagabal. Malawak ang lugar at wala pang ni isang bahay ang nakatayo. Kaya naman kahit anong gawin nila dito ay walang mangingielam. Kung bakit sila may privilege na makapasok sa ganitong subdivision? Well, Kurt's parents own several townhouses, villages, and subdivisions in the Philippines including this one.

"Ang tagal naman nila. Inaantok na ako." Naghikab ng malakas si Jake sabay unat pa ng mga braso nito. Isang oras na rin nilang hinihintay ang pagdating ng Black Ace. Nakapwesto sila sa kanya-kanya nilang SUV na nakahilera horizontally, nakaupo sa ibabaw ng trunk.

"Hindi na yata dadating yung mga ungas na yun eh." Iritadong sambit naman ni Arthur habang minamasahe ang sentido niya. "Panira talaga yung mga yun! Kailangan nating umuwi agad. May mga quizzes pa tayo bukas."

"Masakit na naman ba ang ulo mo?" Alex asked him. Madalas kasing sumakit ang ulo ni Arthur. Well, wala siyang sakit. Madalas lang siya nagkaka-migraine dahil sa sobrang katalinuhan niya. May photographic vision kasi siya kaya grabe kung magfunction ang utak niya.

"Ipapahinga ko lang ito, ayos na ito." Sagot niya.

"Umuwi ka na. Kami na ang bahala dito."

Umiling lang si Arthur sa kanya. "Ayos lang ako... Hindi ko pwedeng palagpasin ang Black Ace ngayon." Nakarinig sila ng mga parating na kotse kaya tinignan nila ang direction na iyon.

"Finally... Nandyan na sila..." Brent announced in his uninteresting tone.

Imbes na tumayo sila mula sa relax na pagkakaupo sa trunk ng mga sasakyan nila ay hinintay lang nila na makalabas mula sa mga kotse nila ang Black Ace gang. Lima ang dala nilang kotse. Puro mga Red Ferrari. Same model, same color.

Lumabas ang mga ito mula sa kotse nila na kalmadong-kalmado. Pulos mga naka-itim na fitted black shirt and jeans ang suot. Visible din sa kanila ang Ace tattoo sa mga pulso nila.

"Ano bang kailangan niyo?" Bungad na tanong ng rank 3 nila. Hindi nito pinahalata ang pagkagulat na ang X10 ang nagpatawag sa kanila. Expected na rin naman nila na reresbak ito pero not so early like this. Hindi sila handa.

Nagpalipat-lipat ng tingin ang X9 sa kaharap nilang gang. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7... Pito lang ang nasa harapan nila ngayon.

"Bakit kulang kayo? Nasaan ang leader niyo?" Derrick asked sternly while puffing out a smoke on his cigar.

"Nasaan siya?" Pabalik na tanong nito sa X9, ignoring what Derrick had asked him. Tinutukoy nito ang rank 5 nila na hawak ng X10. Ngumisi lang ang X9 sa tanong nito.

"Sampu kayo diba? Nasaan pa ang dalawa?" Derrick stood up, dropped his cigar on the ground and stepped on it. He walked coolly towards them and threw them his dangerous stare. "Ganyan ba kayo? Kapag rumeresbak, hindi kayo kumpleto? Hindi solid?"

The Black Ace rank 3 just bawled his eyes in irritation. "Matagal ng buwag ang gang namin. Kaya huwag mong asahan na kumpleto kaming haharap sa inyo." Seryosong sambit nito sa kanya at nakipaglabanan pa ng titigan kay Derrick.

Ipinamulsa ni Derrick ang kaliwa niyang kamay sabay ngiti pa nito ng nakakaloko. "Akala ko mga babae lang ang mahilig magdeny. Pati rin pala kayo?"

"G*go! Nandito kami para tulungan ang tropa namin. Ano bang kailangan niyo sa amin at pinapunta niyo kami dito?"

Hindi na nakapagpigil si Derrick sa pagkainis niya kaya naman hinablot nito ang collar ng lalaki. Madiin at mahigpit. "BUWAG NA ANG BLACK ACE? OWS TALAGA?? PATAY MALISYA PA KAYO?!? EH KUNG DURUGIN KO KAYA YANG PAGMUMUKHA MO HANGGANG SA AMININ NIYO NA KAYO ANG DAHILAN KUNG BAKIT COMATOSE SI KURT!!!"

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon