[35] Hot Egg Pie

573K 10.9K 2.4K
                                    

 

[35] HOT EGG PIE

 

GAIL'S POV

"Akala namin hindi ka na pupunta, Gail. Dapat hindi ka nalang tumuloy dito. Masama sa buntis ang nagpupuyat. 'Di baling kami lang eh. Sanay naman na kami sa puyatan," Krishelle said as I followed her on the way to her room.  Dito kasi yung napag-usapan naming bahay kung saan namin gagawin yung painted shirts.

"Eh, nakakahiya naman kasi. Hindi na nga ako nakatulong sa inyo kahapon tapos hindi na naman ako tutulong sa inyo ngayon. I don't want to be unfair with you guys." I reasoned.

Tumingin naman siya sa akin saglit and she smiled a little, "Ano ka ba, Gail. Your ideas are enough to help us. You even promoted our fan page, didn't you?" She asked and I just smiled in respond. "Grabe nga eh, leading kaya yung group natin sa dami ng likes. At nakakatuwa pa kasi prinomote ng X10 yung page natin."

"Ilan na bang likes?" The last time I checked the facebook page, nasa 1,000+ pa lang yung likes. Well, kaninang umaga pa naman yun.

She smiled widely at me, "15,000+ na."

"For real?"

She nodded as she opened her room's door. Sabay-sabay na napatingin sa amin yung mga groupmates ko. Mga nakaupo sila sa sahig, nag-i-stamp na obviously.

"Gail? Gabi na ah. Bat ka pa pumunta dito?" Bungad sa akin ni Monique. Halata pa nga sa reaksiyon nila na nagulat sila sa bigla kong pagdating.

"Para may maitulong ako sa inyo." Lumapit na ako sa kanila at umupo na sa tabi ni Joyleen. "Nakakailan na ba kayo? Mukhang madami na kayo na-stamp ah." ^^

Imbes na sagutin nila ako ay nagkatinginan lang silang lahat na para bang nag-uusap sa tingin.

Si Gio na yung unang nagsalita. "Gail, pwede naman na hindi ka na tumulong ngayon. Tutal, marami ka na rin namang naicontribute para sa group natin. If you still really want to help, pwede namang pumwesto ka nalang sa stall natin bukas."

Napasimangot ako sa sinabi niya. Ayaw ba nila ako dito? "Guys, kaya nga ako nagpunta dito para tumulong. Unfair naman kung nagpupuyat kayo dito samantalang ako ang sarap ng tulog sa unit ko." 

"Err... Ano kasi eh... Buntis ka, Gail. Baka kami ang malagot nito sa fiancée' mo kapag nagkataon." Sabi naman ni Karizza tapos tumingin siya kay Renz, "Ey, Renz! Ano ba kasing sinabi mo kanina kay Gail? Dapat sinabi mo na-----"

"Wala akong sinabi ah! Sinabi ko lang kanina na kanina pa tayo nagsisimula sa pag-i-stamp ng shirts. Tinanong niya sa akin kung saan tayo gumagawa. Basta sinagot ko lang yung mga tanong niya kanina." Pagdadahilan ni Renz. Siya kasi yung ka-chat ko kanina. 

"Ay, Renz! Sorry pala kung hindi ako nagpaalam kanina sa chat ha? I was on a hurry." Sabi ko sa kanya saka ako tumingin sa kanila isa-isa. "Ayos lang talaga ako. Oh sige, I'll stay here for just two hours and after that, I will go home if that's what you want."

Nagkatinginan na naman sila saglit saka sila sabay-sabay na tumango. Papayag rin naman pala eh.

"Thanks! So, tutulong na ako ha? Ano bang gagawin ko?" Tanong ko.

"Ikaw nalang Gail yung magfold nung mga natuyo ng shirts. Si Krishelle naman yung maglalagay sa mga plastics." Joyleen explained.

"Sure~" Tumayo na ako at lumapit na kay Krishelle. Kanya-kanya sila ng ginagawa. Si Karizza, Gio at Renz yung nag-i-stamp ng shirt, tapos sina Monique at Joyleen naman ang taga-blower para matuyo agad ang stamp.

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon