[59] I Love You, Too.

446K 9.1K 1.6K
                                    

[59] I LOVE YOU, TOO.

KAYE ANNE'S POV

Ang bilis ng araw. Friday na naman. Dahil wala naman kaming sasagutan ng exercise ay niyaya ko si Chloe kanina na dalawin namin si Gail dun sa ospital. Ayos naman ang scheds namin ni Chloe kaya dumiretso na kami dito sa Jimenez Hospital ngayon. Well, honestly, may tinatakasan lang akong isang makulit na tao. Oo, si Nathan po yun. Kaloka yung taong yun! Naguguluhan na talaga ako kung sino ang slave at Master sa aming dalawa. Eh ako ang pinagsisilbihan niya eh. SOBRANG KULET! Kaya ayun, nagswitch kami ng tawagan. Siya na ang tinatawag kong kulet, at ang loko, sumakay naman! Tinatawag naman akong pandak. Promise, hindi na ako magtataka kung bigla nalang pumuti ang buhok ko sa kunsumisyon =________=

"Gail, strawberries oh. Binili namin yan sa hypermarket." Inalok ko sa kanya ang hawak kong strawberries na sa styro.

Kumuha naman siya ng isa sabay subo niya nito. "Masarap itong strawberry kapag hinaluan ng honey at whip cream plus blueberries." Sabay ngiti niya sa akin.

"Ay oo nga noh! Healthy yun," komento naman ni Chloe habang kanina pa kumakain ng santol. Ako ang nangangasim sa kinakain niya eh. Kanina pa yan. "Sissy, gusto mo ng santol?"

"Hindi ako mahilig sa maasim eh."

"Ows? Bakit naman yung ibang buntis mahilig sa maasim. Weird mo talagang magbuntis," sabay subo na naman ng pang-siyam na santol ni Chloe. Nabilang ko yun! Sa akin ba naman inaabot ang mga pinagbalatan niya eh ~___~

"Chloe naman~ May plastic oh! Dun mo ilagay ang kalat mo," kinuha ko yung plastic na pinaglagyan ng strawberries ko. Dun ko na rin tinapon yung mga balat ng santol ni Chloe.

Nakarinig kami ng mahinang katok sa pinto kaya naman napatingin kami dun. Nagvolunteer naman itong si Chloe na pagbuksan ang kung sinumang yun. Then we saw Liam entered the ward with a bouquet of roses on his right hand. Mukha tuloy siyang isang 'handsome bachelor in town' dahil sa kagwapuhan niya. Yun nga lang, married na siya =)

"Hello..." Bati niya sa amin na may tipid na ngiti sa labi niya. Tumayo naman si Gail para salubungin si Liam. Imbes na beso ang ginawa niya rito, she tapped his head like a dog.

"Liam, bakit ngayon ka lang nagpakita? Namiss kita." Sabi ni Gail.

"Busy kasi ako sa pag-aaral ko at saka, ano... May tali ako sa leeg, akachan." =____=

"Ha?"

Sumingit naman itong si Chloe, "Wala ka namang tali sa leeg ah!"

"Joke lang... Hindi naman literal na tali. Basta, bantay sarado ako ng bago kong fiancée'."

Eh? O_________O Teka, bagong fiancée? WHAT HAPPENED?

Dahil sa curiousity ko ay lumapit na ako sa kanila. Syempre, sabat-sabat din pag may time. Wag niyo akong gayahin. Bad po yun >:|

"Liam, diba may asawa ka na?" Tanong ko sa kanya habang tinititigan siya with my 'investigator like stare'.

Napakamot siya sa batok niya na para bang nag-aalangan. "Mahabang istorya eh. But to make it short, gwapo kasi ako kaya may nagkagusto sa aking alien. Ayun, maraming pera kaya pinagana niya yun. Kaya ngayon, on process na ang annulment namin ni Mizuka."

"WHAT?!?" Grabe, sa pagkagulat namin, sabay-sabay pa kaming napa-'what'. :O

"Yeah, let's not talk about it. Anyway, kamusta na si Kuya Kurt?" Naglakad na siya palapit sa cot ni Kurt kaya sumunod naman si Gail. Kami ni Chloe, back to foodtrip na.

"2 weeks na siyang coma, Liam."

Matagal-tagal ding nag-stay kasama namin si Liam. Siguro mga 2 hours din. Kung hindi lang yata siya tinext ng new fiancée' niya eh baka mamaya pang gabi umuwi yun. Sabi kasi niya siya nalang daw ang magtitreat ng dinner namin kaso ayun nga, umalis na siya. Parang ina-under naman siya ng bago niyang fiancée'. Kalurkey naman ng life ni Liam~ Hirap talaga kapag gwapo eh. (_ _")

AILWAG Book2: His Promise [Published under Pop Fiction books]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon