Special Chapter 5

69.6K 1.4K 40
                                    

"Hoy halimaw! May tumatawag sa'yo!" sigaw ko at kinatok siya sa banyo

Ayoko naman kasing sagutin yung tawag niya dahil alam ko ang salitang privacy.

"Sagutin mo nalang, witch!" sigaw nito pabalik

Nagtungo ako sa bedside table at dinampot ang cellphone niya. Number lang ang nakalagay. Sino kaya 'to?

"Hello? Sino po sila?" magalang na sagot ko sa tawag

[Who are you?! Bakit hawak mo ang cellphone ni Enrique?!] galit na tanong nito

Tumaas ang kikay ko sa inasal niya. Aba. Gusto ata ng sample ng babaeng ito.

"Naliligo kasi siya. May sasabihin ka ba? Gusto mo ako nalang magsabi?" kalmadong sabi ko rito

[Bakit kasama mo siya?! Nilalandi mo ba siya?! Girlfriend niya ako!] sigaw nito sa kabilang linya

Walang delikadesa. Tsk. Ako pa nasabihan ng malamdi. Sapakin ko siya eh. Inagawan pa talaga niya ako ng pwesto sa buhay ng BOYFRIEND KO.

"Ano bang pangalan mo para masabi ko sa kanya na tumawag ka." kalmado pa rin na sabi ko kahit na gusto ko na siyang kalmutin at sapakin

[Why would I say my name? Bitch.] matatay na sabi niya

Huminga ako ng malalim nago nagsalita ulit.

"Kailangan mong sabihin kung anong pangalan mo para malaman niya kung sinong girlfriend niya ang tumawag dahil sa dami ng girlfriend niya hindi niya alam kung sino ang tumatawag."

Napangisi ako nang bigla niyang binaba ang tawag. Napatingin ako sa banyo nang lumabas si Van na bagong ligo at bihis na pero nag-pupunas ng basang buhok.

"Sino daw tumawag?" tanong nito habang pinupunasan ang buhok

Sumama ang tingin ko sa kanya at hinagis ang cellphone niya sa kanya. Buti nalang at nasalo niya.

"Shit. What the hell?" gulat na sabi nito

"Girlfriend mo daw!" inis na sabi ko

Kumunot ang noo nito sakin at tumingin sa cellphone niya tapos tumingin sakin.

"Tinawagan mo ako?" takang tanong nito

Aba't. Muntanga talaga ang ungas.

"Bakit kita tatawagan?! Magkasama naman tayo!" singhal ko rito at nagdadabog na lumabas ng kwarto niya

Sumunod naman agad siya sakin at naupo sa couch kung saan ako naupo.

"Ikaw lang naman kasi ang girlfriend ko." malambing na sabi nito

Sinamaan ko siya ng tingin at tinulak palayo sakin.

"Eh sino yun?! Pagbuhulin ko kayo eh!" galit na sabi ko sa kanya

"Hindi ko alam. Witch naman. Takot ko lang sa'yo pag nambabae ako. Baka barilin mo ako bigla eh." malambing na sabi nito at yumakap sakin

Di ko na napigilang mapangiti sa sinabi niya. Subukan lang niyang lokohin ako at ipapasagasa ko siya sa tren.

Nahampas ko siya bigla nang halikan niya ang leeg ko. Humaharot nanaman eh.

"Napakamanyak mo talaga!" inis na sabi ko at hinampas siya

"Aray naman. Hinalikan ka lang eh!" reklamo nito

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon