Chapter 28

89.9K 1.8K 146
                                    


Short update everyone. Sorry! Babawi ako next time.

Lovelots!

Nerissa's POV

Marahas na pinunit ko ang dyaryo at binato sa kung saan. Kala na kalat na ang ginawang eksena ni Enrique Lewis! Pero hindi ako natatakot sa kanya. Mas binibigyan niya ako ng rason para mas magalit sa kanilang mag-asawa.

"Arrrghh! Mga hayop!" galit na sigaw ko at hinagis ang vase na nahagip ko

Mabilis dumating ang maid at nilinis ito. Lumapit din sakin si Vincent at niyakap ako. Matagal na kaming nagmamahalan ni Vincent pero nagkahiwalay kami nang mabuntis niya ang malanding babaeng iyon! Inagaw niya sakin si Vincent!

Kasalanan lahat ito ng Zea na iyon dahil dumating siya sa mundo! Kung hindi dahil sa kanya sana masaya kami ngayon ni Vincent!

"Magbabayad sila! Magbabayad ang punyetang babaeng iyon Vincent!" galit na sabi ko

"Magbabayad talaga siya Nerissa. Hindi ako papayag na mawala satin ang kompanya ng tatay mo." galit din na sabi ni Vincent

Hindi naman talaga minahal ni Vincent ang mga anak niya at ang asawa niya dahil ako lang ang mahal niya. Napilitan lang siya na ikasal sa kanya at ngayon magkasama na kami pero palaging umeeksena ang asawa ng Zea na iyon!

Masaya na kami nang maghiwalay sila at napatay namin ang anak nila pero umeeksena nanaman siya. Tama ang hinala ko na siya ang magiging dahilan ng pagbagsak namin ni Vincent pero hindi ako papayag. Magkakamatayan muna kaming lahat!

"Kailangang mamatay ni Zea, Vincent! Kailangan niyang mamatay!" nanggigigil na sigaw ko

Ngumisi sakin si Vincent at tumango. Kaya mahal na mahal ko siya eh dahil masama siya tulad ko.

"Tawagan mo na ang tauhan natin para mawala na sa landas natin ang babaeng iyon." nakangiti niyang sabi at hinalikan ako

Tumugon ako sa halik niya at humiwalay para tawagan ang tauhan ko. Inutos ko ang gagawin niya at binilinan ko siya na dapat ay maayos ang trabaho niya at walang sabit.

Mawawala ka na sa landas ko Zea tulad ng anak mo.

"Bisitahin natin ang anak mo para malaman natin kung kumusta na ang pinapagawa natin sa kanya." nakangising sabi ni Vincent

Tumango ako sa kanya at nagtungo kami sa kotse. Mabilis kaming nakarating sa bahay ng bastarda kong anak. Kung pwede ko lang siyang patayin ginawa ko na, kaso may pakinabang pa naman siya eh.

"M-Mommy.." gulat na sabi niya nang makita kami ni Vincent

Tinulak ko siya at pumasok kami ni Vincent sa bahay. Naupo kami sa sofa at naupo rin siya sa harap ko.

"Kumusta ang pinapaasikaso ko sayo?" tanong ko

"A-Ayos lang po." utal na sagot niya

Ayos lang? Marahas na hinampas ko ang lamesa kaya napatalon siya sa gulat.

"Ayoko ng ayos lang! Gusto ko gawin mo ng maayos ang trabaho mo para maghiwalay silang dalawa kung ayaw mong mamatay ang anak mo at ang lalaking mahal mo!" galit na singhal ko sa kanya

Mabilis na tumango siya sa akin kaya napangisi ako. Mabuti naman at nagkakaintindihan kami.

Tumayo ako at hinawakan siya ng mahigpit sa braso kaya napaigik siya.

"Gamitin mo yang katawan mo ng may pakinabang ka naman tutal malandi ka! Maghubad ka sa harap niya kung kinakailangan at magpakapokpok! Bilisan mong kumilos dahil kung hindi papatayin ko ang anak mo at ang lalaking iyon. Naiintindihan mo?" matigas na sabi ko

"O-Opo mommy." umiiyak na sagot niya

"Good. Pag nagawa mo iyon, pwede mo na kaming makasama ng daddy mo. Maiwan ka na namin. Wag kang babagal bagal dahil baka mainip ako."

Umiiyak na tumango siya sa akin. Lumapit sakin si Vincent at umalis na kami. Babagsak rin kayo. Ako dapat ang hindi niyo kinakalaban.

Zea's POV

Kunot-noo kong tinignan ang kapatid ko na nakatayo ngayon sa harapan ko. Ano nanaman bang ginagawa niya dito? May klase pa siya ah!

"Hi ate! Namiss kita."

Mas lalong kumunot ang noo ko sa kanya. Siguradong may kailangan ang ungas na ito dahil hindi naman yan naglalambing eh!

"Ano nanamang kailangan mo, Adonis?" nakataas ang kilay na tanong ko

Napakamot siya sa batok. Bago pa siya makasagot sumulpot na sa tabi ko si Van.

"Hi Kuya!" bati niya kay Van

"Oh? Wala ka bang klase ngayon?" nakangiting sabi ni Van

"Wala po kaming klase ngayong araw. Gusto ko nga pong yayain si Mikaela na magdate eh kasi nag-away kami kagabi." sagot niya

"Kaya ka ba nandito para humingi ng tulong sa date niyo?" masungit na tanong ko

"Parang ganun na nga Ate! Hihiramin ko sana yung kotse mo. Please." nagpapacute na sabi niya

Napailing nalang ako at nilabas ang susi ng kotse ko.

"Next week pa ang dating nung kotse mo, Adonis kaya hiramin mo muna ang kotse ng ate mo, ha."

Napahinto ako sa pagbigay ng susi kay Adonis at tinignan si Van. Tama ba ang dinig ko? Bumili siya ng kotse para sa kapatid ko?

"Talaga Kuya? Salamat!" tuwang-tuwa na sabi ni Adonis

Ginulo naman ni Van ang buhok niya at tumawa ng mahina.

"Nagpromise ako sayo noon diba na reregaluhan kita ng kotse pag 21 ka na." nakangiting sabi ni Van

Tuwang-tuwa naman si Adonis nang umalis siya. Yumakap pa siya sakin at humalik sa pisngi ko bago umalis. Somehow, nakaramdam ako ng kaba sa gesture niya.

Gusto kong sermonan si Van sa ginawa niyang pagbili ng kotse para sa kapatid ko pero hindi ko magawa dahil nakakaramdam talaga ako ng matinding kaba.

"Is there something wrong?" tanong sakin ni Van

"Van, kinakabahan kasi ako eh. Parang may masamang mangyayari." pagtatapat ko sa kanya

"You're just being paranoid." malambing na sabi niya at niyakap ako

Kahit anong gawin ko hindi mawala ang kaba na nararamdaman ko. Ibang-iba ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Napalingon kaming pareho nang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Mikaela. Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Hello Mi--Umiiyak ka ba? Anong nangyari? Nag-away ba kayo ni Adonis?" tarantang tanong ko

Humahagulgol siya sa kabilang linya kaya nag-aalala ako ng sobra sa kanya.

[A-A-Ate, w-wala na siya...............

W-Wala na si A-Adonis.]

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now