Chapter 33

92.4K 2.1K 76
                                    


Enrique's POV

Napamura ako nang makita kong pinagitnaan sila ng dalawang motor. Hindi kami pwedeng magpaputok dahil baka matamaan nila ang asawa ko at si Cara. Fuck. Hindi ko na dapat siya sinigawan kanina!

Napamura ako nang makita ko ang pagharurot ng kotse niya. What the fuck is she doing?! Gusto ba niyang mabunggo kami dito?

She will fuckin' save Cara! I knew it. Hindi tinted ang kotse niya kaya kita ko ang pagtaas ng baril na hawak niya. Where did she get that anyway? Shit. I will save that question later!

Sobrang lapit na nila kaya tumakbo agad ako at pinaputukan ang lalaki na nasa tapat ng asawa ko. I can kill anyone for my wife's safety!

"ALEXANDRA!" sigaw ko nang gumawa ng ingay ang paglangitngit ng gulong ng kotse dahil sa pagpreno niya

Rumesponde agad ang mga tauhan namin at ang ilang pulis. Binuksan ko agad ang driver's seat at kinuha ang walang malay na asawa ko. Bumaba naman agad si Cara at lumapit samin.

"Aaaahhhh! E-Enrique!" sigaw niya

Nanlaki ang mata ko nang makita ang dugo sa hita niya. Binuhat siya ng tauhan ko at pinasok sa kotse. Ipinasok ko rin ang asawa ko at pinaharurot ang sasakyan. Hindi ako mapakali. Shit!

Agad na dinaluhan kami ng mga nurse lalo na si Cara. May gasgas siya sa noo tulad ng asawa ko buti nalang at gumana ang air bag ng kotse. Dinala nila ang dalawa sa ER kaya tinawagan ko agad si Eugene. Minura pa niya ako ng ilang ulit.

May nagbabantay naman kay Cara eh! Pero umalis pala sila dahil pinapahanap ko si Alexandra. Natakot ako nang malaman ko na tinakasan niya ang mga bodyguards niya.

Napatayo ako nang makita ko si dad. Nakalimutan ko na magkasama pala kami kanina noong pinuntahan si Alexandra.

"They almost got killed dad!" nanggigigil na sabi ko

"Nakakuha na tayo ng marami at matibay na ebidensya, Enrique. Inaasikaso na ng tauhan natin ang kaso nila at ang hearing na magaganap." seryosong sabi ni dad

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti naman.

"Where's Cara?!" sigaw ni Eugene

"Nasa loob ng ER." tipid na sagot ko

"What the hell Enrique?! Pinaubaya ko sayo si Cara dahil sinabi mo maraming nakabantay sa kanya at ligtas siya! Pero ano itong nangyari?!" sumbat niya sakin

Hindi ko mapigilang mainis sa kanya. Fuck him.

"My wife went missing! Tinakasan niya ang bodyguards niya at mas priority ko ang kapakanan niya! Can't you see?! My wife is in that fuckin' room! Kung nahuli ako kanina ng kilos ko, baka malamig na siyang bangkay dahil mas pinili niyang iligtas si Cara!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya

Wala siya sa posisyon na sumbatan ako dahil gaya ng sabi ko mas priority ko ang kaligtasan ni Alexandra.

"Calm down, both of you. Hindi kayo nakakatulong." kalmadong sabi ni dad

Nag-iwas kami ng tingin sa isa't isa. Sabay kaming napatayo nang may lumabas na doktor.

"Sino pong kamag-anak ni Zea--" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita

"She's my wife. How is she?" mabilis na tanong ko

Bumuntong-hininga siya sakin at umiling kaya kinabahan ako.

"Mr. Lewis, alam mo ba ang kalagayan ng asawa mo?" seryosong tanong niya

Buti nalang at napigilan ko ang sarili kong suntukin ang doktor na ito. Tanga ba siya? Kaya nga nagtatanong diba?!

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now