Chapter 9

110K 2.6K 154
                                    

Zea's POV

Nakatingin lang ako sa kawalan habang nakaupo sa cubicle ko. Kanina pa ako walang ginagawa at wala pa akong nauumpisahan na trabaho. Iniisip ko pa rin ang sinabi kahapon ni nanay.

"Zea, bar tayo ulit mamaya!" yaya sakin ni Julie na nasa harapan ko na pala

"Sige." wala sa sariling sabi ko

Pakanta-kanta siyang bumalik sa pwesto niya habang ako nagsimula na akong magtrabaho. Kailangan ko ng umpisahan ang trabaho ko nang di naman ako matambakan.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng opisina ni Van pero hindi ako lumingon. Nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa maamoy ko ang pamilyar na pabango niya.

"Alexandra. In my office." maawtoridad na sabi nito

Narinig ko ulit ang pagbukas at pagsara ng pinto ng opisina niya. Kinuha ko ang ballpen at planner ko bago sumunod.

Nanatili siyang nakatitig sakin habang naglalakad ako palapit sa mesa niya kaya hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. Alam kong maganda ako. Duh.

Hanggang sa maupo ako ay nakatitig pa rin siya sakin kaya kunwaring umubo ako para kunin ang atensyon niya. Hindi man lang niya inalis ang titig niya sakin kahit nagsasalita.

"Pumasok ka ba sa kwarto ko sa condo?" seryosong tanong nito

Yun lang ba ang rason niya kaya niya ako pinapunta dito?

"Bakit naman ako papasok sa kwarto mo?" masungit na tanong ko

Hindi na siya ulit nagtanong pero nandoon pa rin ang nagdududa niyang tingin. Hindi ko sasabihin sa kanya na pumasok ako doon dahil sigurado akong napansin na niyang wala sa basurahan ang t-shirt niya. As if naman na mapapansin niya talaga dahil tinapon na niya.

"Set me an appointment with Mr. Michael Miller at 11am."

Sinulat ko ang sinabi niya. Tatawagan ko nalang mamaya ang secretary ni Mr. Miller.

"Clear all my appointments on Saturday." sabi ulit nito

Magsusulat na sana ako nang mapagtanto ang sinabi niya. Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"I can't just cancel all your scheduled appoint--" he cut me off

"Just do what I say." matigas na sabi nito

"No." mariin na sabi ko

"I am your boss." nakakunot noong sabi nito

"I am your secretary."

"Ako ang nagpapasweldo sayo."

"Ako ang nagseset ng appointments para sayo."

"Damn it. Just cancel all that damn appointments!" inis na sabi nito

"What if I don't?" mataray na tanong ko rito

"Just follow my orders or else--" I cut him off

"Or else what? You will fire me? Fire me then." naghahamon na sabi ko sa kanya

"You know me, Alexandra. I have my ways to make you follow me." seryosong sabi nito

"Really? Try me, Van." hamon ko sa kanya

Tumaas ang gilid ng labi niya na parang nagustuhan pa ang sinabi ko. Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa. Nakaupo ako kaya yumuko siya ng kaunti at hinila ako patayo.

Chansing ang hinayupak na 'to eh. Ilayo niyo ito sakin at baka masapak ko.

Tumingala ako ng kaunti dahil mas matangkad siya sakin. Tinaasan ko siya ng kilay nang makita kong nakatingin siya sa labi ko. Alam kong maganda ang labi ko at masarap pero syempre sakin lang ang labi ko. Ayokong mag-share. Hmp.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now