Chapter 27

101K 2.2K 82
                                    


Lady's note:

Pasingit po muna ah. Gusto ko lang pong magthank you sa inyo. Lalo na po doon sa mga nasa ibang bansa pa na nagbabasa nito. Nakaka-touch lang na may mga nakakaappreciate ng story ko :))

Love you guys!

Eugene's POV

Everything happens for a reason. She's right but I can't understand what she said that she's doing this because she has a reason.

Tulala lang ako na nakatingin sa pinto na nilabasan niya. Tumakbo siya palabas at hindi ko na siya nagawang pigilan pa. Nanatili naman na tahimik si Zea at Enrique.

"Sino siya Eugene?"

Nabaling ang atensyon ko kay Zea dahil sa tanong niya. Alam kong tinatanong niya kung sino si Cara sa buhay ko.

"She's my friend but I started courting her a month ago." sagot ko

"Do you own that child?" matigas na tanong ni Zea but I can sense hope in her voice

"I-I don't know." I answered frustratedly and combed my hair with my fingers.

I really don't know. At hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung sakaling ako nga ang ama ng batang dinadala niya. Yes, I am old enough to settle down but we're not in good terms. I want to have a family and be married with the woman I love and woman who loves me.

Magagawa ko bang maging masaya kung malaman ko na anak ko talaga iyon, kung hindi naman ako mahal ni Cara?

Zea's POV

Tinignan ko muna ang repleksyon ko sa salamin bago ako tuluyang lumabas ng kwarto naming asawa. Aattend kami sa isang party at sa party na iyon, nandoon si tatay at ang kabit niya.

Pumayag na ako sa balak ni Van at ngayon kaming mag-asawa may pinakamalaking stockholder sa kompanya ng mga Alameda. Hindi nila alam na kami ang may-ari dahil ang akala nila ay si Allen ang bumili ng shares. Ang party na ito ay para sa isang mayaman na business partner nila at para ipakilala kami bilang major stockholder at parang victory party na din dahil nakaahon sa bankruptcy ang kompanya nila. Maraming aattend na mayayaman at pati kami ay pinadalhan ng imbitasyon not knowing na talagang imbitado kami dahil kami na nga ang major stockholder.

Kung tatanungin niyo ang nangyari sa usapan namin nila Eugene at Cara, ang masasabi ko lang nabawasan ng bigat ang damdamin ko. Dahil talagang posible pala na hindi siya nabuntis ni Van pero masyado pang maaga para magdiwang. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa isip ko ang huling sinabi niyang, 'I'm doing this for a reason.'

"Gusto mo bang mapaaway ako?" kunot-noong bungad sakin ni Van habang nakatingin sa damit ko

"Problema mo?" inis na tanong ko

Akala ko pa naman sasabihin niya na maganda ako at bagay sakin ang beige na gown ko tapos yan ang bungad niya sakin! Nakakainis lang diba? Diba? Ang sexy ko kaya lalo na at hapit sa bewang ko yung gown.

"You look gorgeous, my witch. I'm afraid that you will be the center of attraction of all the men in the party." iritang sabi niya

Namula naman ako sa sinabi niya. Eeeeh. Gorgeous daw ako. Nakakakilig diba? Tsaka ang possessive pa niya. Mas kinikilig tuloy ako lalo na nang hinapit niya ako at hinalikan ng mariin.

"Pwede bang dito nalang tayo at wag tumuloy sa party?" paos na sabi niya habang nakahawak sa bewang ko

Umiiral nanaman ang kamanyakan niya kaya inirapan ko siya at inalis ang kamay niya sa bewang ko.

Taming My Monster BossWhere stories live. Discover now