Special Chapter 2

90.3K 1.9K 119
                                    


"Van, gusto ko nga kasing pumunta sa opisina mo. I'm still your secretary!" inis na sabi ko sa kanya

Nababagot na ako dito sa bahay dahil kahit naman kasama ko si Azalea, di kami halos makaalis ng bahay dahil sa mga bantay namin. Gusto ko rin ng may ginagawa. Hindi na ako bumalik sa pagpupulis ko kahit na pinipilit ako ni Chief na bumalik.

Yun ang pangarap kong propesyon pero matagal ko na iyon binitawan dahil ang propesyon ko ang dahilan kaya kami nagkahiwalay ni Van. At isa pa, pamilyado na ako. I don't want to take risks again.

"Witch, hindi pwede. You're my wife and you're not my secretary." sabi nito habang inaayos ang necktie

"Edi wag!" singhal ko at nagdabog na labas ng kwarto namin

Bahala siya sa buhay niya. Inirapan ko siya nang sumunod siya sakin dala ang brief case niya.

"I'm going to work. I'm sorry, okay? I'll make it up to you on weekend." malambing na sabi niya at hinalikan ako ng mabilis

Hindi ako sumagot sa kanya dahil naiinis pa rin ako. Isa rin sa kinaiinisan ko yang pagiging workaholic niya. Naiintindihan ko naman na malaki ang kompanyang hawak niya pero sana naman maglaan siya ng oras samin, diba?

"Mom, what are you doing?" tanong sakin ng anak ko nang makitang nag-iimpake ako ng gamot namin

Ilang beses na ba akong naglayas kasama si Azalea? Ilang ulit na. Lately kasi madaling uminit ang ulo ko at nilalayasan ko siya.

"Pupunta tayo kila lola at lolo." nakangiting sabi ko

"Really? Are we going to hide there again?" excited na tanong nito

Nilagay ko ang damit niya sa maleta ko at bumaba na kaming dalawa. Tuwang-tuwa ang mukha niya kaya natawa ako. Akala kasi niya naglalaro kami taguan tapos hahanapin kami ng daddy niya.

"Let's go." natatawang sabi ko at hindi na sinagot ang tanong niya

"Ma'am! Saan po kayo pupunta? Magagalit po si Sir!" habol samin ng isa sa mga bodyguard

"Stay there. Wag kang lalapit kundi sasapakin kita." matigas na sabi ko

Napaatras naman siya sa sinabi ko. Nasampolan ko na yan dati eh. Nagmall kasi kami ni Azalea tapos tinakasan namin sila. Nung nahanap nila kami hinawakan niya ako sa braso at uminit ulo ko kaya nasapak ko. I felt bad for him though.

"P-Pero ma'am..." nag-aalinlangang sabi niya

"Huh! Yang amo mo na walang ginawa kundi magpayaman! Sapakin ko yun eh!" inis na sabi ko at pinaharurot na ang kotse ko

Nakarating kami agad sa mansion nila mommy at sinalubong naman nila kami. Sinabihan ko kasi sila na pupunta kami doon.

"Naku. Apo, kumusta ka na?" tuwang-tuwang sabi niya at niyakap si Azalea

"Okay na okay po Lola!" masayang sagot naman ng anak ko

Nagkulitan na silang dalawa kaya pinuntahan ko si dad para maipaalam sa kanya yung private plane nila. Balak ko kasing bisitahin yung sister-in-law ko sa States na anak din nila, si Scarlett.

"Dad, hihiramin ko sana yung private plane." paalam ko rito

"Why? May private plane naman kayo ah. Don't tell me tatakasan mo nanaman ang anak ko." natatawang sabi niya

Natawa rin ako sa sinabi niya. Kinukunsinti niya rin kasi minsan ang kalokohan namin ni Azalea kaya ganyan.

"Bibisitahin ko lang sana si Scarlett at wawaldasin ko yung kayamanan ng anak niyo nang maghirap naman dahil laging nasa opisina." nakangiting sabi ko pero pabiro

Taming My Monster BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon