Para sa idol/baby vamps ko na si Aril Daine

______

What?! Tsk. No Kent… Wala yan… It’s just a simple hug.

 

 

 

 

Nakita niya rin na hinalikan ni Harley ang asawa niya. Nagsikip ang dibdib niya. Kahit sa pisngi lang yun. Feeling niya naging possessive na siya kay Phoebe pagkatapos ng mga nangyari sa Italy.

Bakit may halik pa?? Nakakabadtrip… Pshh. Keep your cool Kent… Haie. Bakit ganito. Nakakainis. Dapat ba hindi ko na lang sila pinagusap? Haie ang selfish ko…

Nang makita niyang papaalis na si Phoebe ng gym ay dali-daling umalis si Kent.

Tsss. Ano bang ginagawa ko… Mabuti nang hindi niya ako makita na nandito. Naisip ni Kent at nauna na siyang bumaba. Naiinis siya pero alam niyang nasa mali siya.

*

Natapos na ang klase at may kaunti pa ring tumitingin tingin kay Phoebe kapag naglalakad sa hallway.  Nauna silang pinalabas. Ang balak niya sana ay hintayin si Kent sa tapat ng classroom nito pero nao-awkward siya lalo na’t nandoon din sina Elisa, at si Harley.

Naghintay sila ni Jhone sa baba.

“Nga pala Fibboy, yung Philip? Paano siya?” paalala ni Jhone

“Hala oo nga. Di ko nga alam eh. Tsk! Ayaw naman ako samahan ni Kent.”

“Puntahan natin mamaya yung kuya Philip. Naiintriga ako eh!”

“Tayo? Paano? Eh ihahatid nga ako ni Kent sa bahay…” sagot ni Phoebe

“Eh di pahatid ka… Maghihintay naman daw yung Philip diba? Sunduin kita.”

“Talaga??? Waaah Sige Sige samahan mo ako kay Philip.”