CHAPTER 18

230K 4.3K 288
                                    

CHAPTER EIGHTEEN

ITINIRIK niya ang kanyang mga mata sa kaharap at inihagis dito ang bottled water. "Hindi na siya makakabili ng pills. Ipina-ban ko na siya sa mga drugstore."

"Paano mo nagawa ang bagay na 'yon?"

"I have connections and I used my charm."

"Siguro tinakot mo na naman."

Sinipa niya ito sa binti sa ilalim ng mesa. "I have to go. May meeting pa ako sa kliyente ko." At parang bula na nilisan niya ang kausap.

Lumabas siya ng restaurant at ipinandong sa ulo ang suot na jacket dahil malakas ang ulan. Tumakbo siya sa parking lot kung nasaan ang sasakyan niya. Wala rin siyang pakialam kung may nabangga siya kakatakbo.

Kinuha niya ang itim na towel na nasa backseat at pinunasan ang katawang nabasa, saka nagmaneho na paalis ng lugar. Dahan-dahan lang ang ginawa niyang pagmamaneho dahil madulas ang kalsada. Tumutunog ang cell phone niya pero hindi niya iyon pinansin.

Huminto ang sasakyan niya sa isa pang restaurant at agad namang nahagip ng mga mata niya ang katagpo. Hindi naman ito nagulat nang humila siya ng upuan at umupo sa harap nito.

"Ano ang atin?" tanong niya.

Ibinigay nito ang itim na folder. Binuksan niya iyon at pinag-aralan ang nasa loob. Ilang minuto lang ay nag-angat siya ng tingin sa kaharap na humihigop ng kape habang mataman na nakatingin sa kanya. "I'm doing my part and it's working now. Alam kong sila pa rin sa huli."

"Hindi ka nakakasiguro. Alam mong iba ang gusto niya."

"Magbabago rin ang nararamdaman niya."

"Paano mo nasabi 'yan?"

"My instinct told me."

Pagak na tumawa ang kaharap. "Your instinct, huh?" Puno ng sarkasmo ang boses nito.

"Ano'ng gusto mong gawin ko?"

Nagkibit-balikat ito. "Bahala ka kung ano ang gusto mong gawin basta sumunod ka lang sa plano."

"May iba akong plano at ako talaga ang bahala roon." Tumayo na siya. "Thanks for this." Itinaas niya ang folder at mabilis na nilisan ang lugar.

Pagod na pagod siya ngayong araw dahil marami siyang ginawa. Siguro mas makabubuti kung sa bahay na lang siya dederetso kaysa mag-bar.

Binuksan niya ang laptop nang makauwi at nag-type ng kung ano-ano.

"Ang sakit sa ulo," reklamo niya at pabagsak na humiga sa kama.

Kinuha niya ang laptop at ipinatong iyon sa tiyan. Binuksan niya ang isang folder doon at bumungad sa kanya ang mga litrato nina Matthew at Mandy sa isang resort na naghahalikan. Mayroon din na pumasok ang mga ito sa hotel. May isa pa na nagpunta ang mga ito sa private house ng senador. Iba't ibang lugar at iba't ibang anggulo. Marami pang pictures ang nandoon na hindi lumalabas sa Internet kaya hindi pa masyadong umiingay ang pangalan ng dalawa.

Malakas talaga ang kutob niya na may itinatagong relasyon ang mga ito at kailangan niyang malaman ang katotohanan.

EHS 4: His Seductive AffairWhere stories live. Discover now