CHAPTER 11

227K 5.5K 162
                                    

CHAPTER ELEVEN



NAKAUSLI ang nguso ni Mandy nang lumabas ng isang botika kung saan sana siya bibili ng pills. Pero sa hindi maintindihang dahilan ay hindi siya pinagbentahan doon. Actually, panlimang botika na itong pinuntahan niya.

Ilang linggo na siyang hindi umiinom ng pills. Pero in fairness kay Matthew, ginagawa talaga nito ang sinabi na hindi siya bubuntisin. Pero hindi siya dapat magpakapanatag. She needed contraceptives to avoid unwanted pregnancies. May one year contract pa siya sa management na nagha-handle sa kanya kaya dapat hindi siya mabuntis kung ayaw niyang makulong o magbayad ng malaking halaga.

Sumakay na lang siya sa bagong gawang Subaru WRX niya—salamat sa Kuya Carl niya dahil ito ang nagpagawa n'on. Pauwi na siya sa condo unit niya dahil gabi na rin. Dumaan kasi siya sa ospital dahil nanganak na si Amber at baby boy iyon. Ang cute-cute ng first baby nito at ng pinsan niyang si Clarkson.

At dahil lalaki ang anak ni Amber, talo siya sa pustahan nilang magkakaibigan. Imbes na malungkot ay natuwa pa siya dahil magiging personal assistant siya ni Matthew for one week and of course, she could always see him without arguing with his secretary.

Naalala ni Mandy ang mga sinabi sa kanya ng mga kaibigan. Sinabihan kasi siya ni Elisse kanina na gumawa na rin sila ng baby ni Matthew. Kaya lang, paano naman mangyayari 'yon kung pareho nilang ayaw? Sabi pa sa kanya ni Natalie, kaya ayaw siyang mabuntis ni Matthew kasi mas mahalaga sa kanya ang career niya than to carry Matthew's child—which was true. Hindi pa talaga niya napi-picture na ang isang Mandy Lane ay lalaki ang tiyan. At isa pa, sinabi sa kanya ni Matthew na hindi bagay sa kanya ang maging mommy. Ipinagsawalang-bahala niya na lang ang bagay na 'yon dahil ayaw pa naman talaga niyang maging isang ina.

Nang makauwi ay dumeretso siya agad sa kanyang kuwarto at dumapasa queen-size bed. Mayamaya ay tinawagan niya si Matthew.

"Boss," bungad niya.

"Huh?"

"Anong oras ako papasok tomorrow, Boss? I will be your new personal assistant for one week."

"What are you talking about?" Feeling niya, nakakunot na ang noo ni Matthew.

"Remember the bet sa gender ng baby nina Amber?"

"Ah, yeah. It's a baby boy."

"Expect me tomorrow sa office mo, darling." She giggled when he said yes. Pinatay niya ang lampshade sa bedside table, sabay natulog na. Excited lang siyang makasama buong araw ang senador.



NAKAILANG palit na si Mandy ng damit pero ni isa ay wala siyang magustuhan. Dapat magmukha siyang presentable dahil senador ang kasama niya. Inilagay niya ang hintuturo sa baba niya habang ang isang kamay ay nasa baywang. Pinasadahan niyang muli ang wardrobe niya. Puro mga panrampa sa mga beauty pageant ang mga naroon at 'yong iba naman ay masyadong daring.

Male-late na siya sa call time na six AM kung tatayo lang siya at tititig sa mga damit niya kaya kinuha na lang niya 'yong kulay-cream na off-shoulder fitted dress na above the knee. Nag-doll shoes na lang siya para kapag inutusan siya ni Matthew ay mabilis siyang makakapaglakad o kahit tumakbo pa. Naglagay lang din siya ng light makeup at isinukbit na ang sling bag niya.

Agad siyang sumakay sa sasakyan at dumeretso sa opisina ni Matthew.

"Good morning, Senator M." She smiled sweetly at him when she arrived at his office.

"You're late."

Naka-white T-shirt lang ito, jeans and sneaker. Ine-expect niya na naka-three-piece suit ito.

"Bakit ganyan ang suot mo?" maang na tanong niya.

Hinagod nito ng tingin ang katawan niya. "Change your clothes. May medical mission kami ngayon at sasama ka." Pumunta ito sa silid nito roon at pagbalik ay may dala nang puting T-shirt and skinny jeans. "Here."

EHS 4: His Seductive AffairWhere stories live. Discover now