CHAPTER 7

229K 5.4K 164
                                    

CHAPTER SEVEN

"FIVE DAYS," sagot ni Matthew sa secretary niya. Kailangan na talaga niyang ipahinga ang utak at ang katawan sa trabaho or else, gusto niyang ma-overfatigue. "Cancel all my appointments," bilin niya at lumabas na ng opisina.

Sa bahay niya muna siya nagpahatid at inayos ang mga gamit niya.

"Sir, ano po ang gusto n'yong pagkain?" tanong ng isa sa limang katulong niya sa malamansiyon niyang tinitirhan. Lahat ay may kanya-kanyang nakatokang gagawin. Iba pa ang hardinero at security guard ng bahay.

"Huwag na kayong mag-abala dahil aalis din ako agad."

Pumunta si Matthew sa garahe ng mga sasakyan niya at hinila ang gray na cover ng sports car niya at pumasok doon. Kanina pa siya nate-tempt tawagan si Mandy kaya lang ay pinipigilan niya ang sarili. He wanted to surprise her. Gusto niya itong isama sa limang araw na bakasyon niya.

Ilang minuto lang ay narating na niya ang mataas na building kung saan ito nakatira.

Mabilis siyang nakapasok sa loob ng condo unit nito na parang isang magnanakaw. Hindi naman alam ng babae na nagpagawa siya ng duplicate key ng unit nito para anytime ay malaya siyang makapasok sa loob.

Ilang buwan na rin ang sektreto nila ni Mandy, matagal-tagal na rin, kaya siguro may pakiramdam siya na minsan ay nami-miss niya ito pati ang malambing na boses nito na noon ay hindi niya napapansin. Palagi kasing nasa isang babae lang ang mga mata niya. Pero ngayon, medyo nababawasan na ang paghanga niya kay Amber. Siguro dahil mas madalas na niyang nakakasama si Mandy kaya nawawala ang atensiyon niya sa kanyang ideal woman.

Sa kusina dumeretso si Matthew at kumuna ng malamig na tubig. Thirty minutes na siguro siyang naghihintay. Pinipigilan niya ang sarili na huwag pindutin ang cell phone at i-dial ang number ng babae kaya binuksan na lang niya ang TV para manood ng news update.

Ilang minuto lang ay hindi na talaga niya kinaya kaya kinuha niya ang cell phone sa bulsa ng jeans. He dialed Mandy's number. Alam niyang nasa bahay ito ng mga magulang nito dahil nagpaalam sa kanya. Busy ang line nito kaya naman nainis siya.

Natapos na lahat-lahat ang pinapanood niya pero wala pa ring Mandy na dumarating. Alas-onse na ng gabi at medyo nag-aalala na siya sa seguridad nito

Pinatay niya ang ilaw at TV at humiga sa sofa. Hindi naman sa gusto niyang matulog, gusto lang niyang ipahinga ang katawan. He closed his eyes, only to see Mandy's pretty face. Hindi naman talaga niya gusto ang babae.

Hindi si Mandy ang nababagay para sa kanya, iyon ang palagay niya at ang tingin niya.

Hindi siya against sa trabaho ng babae. Ang gusto lang talaga niya ay ang mga tipo ni Amber.

Matthew shook his head and erased all the negative thoughts running in his mind.

Napatayo siya bigla nang marinig ang lock ng pinto at ang pagpasok ng matangkad na babae, kasabay n'on ay ang pagliwanag ng paligid.

Gulat ang unang bumakas sa magandang mukha ni Mandy. "Baby, ginulat mo naman a—"

"I missed you," bulalas niya at kahit siya ay hindi inaasahan na sasabihin niya ang salitang 'yon sa harap nito mismo.

Ang kaninang pagkabigla sa mukha nito ay napalitan ng saya. Wearing a loose mint green blouse matched with her maong faded short shorts and flat sandals, she looked seductive without too much effort. She was good to ravish at this moment pero malakas ang self-control niya. Isa pa, hindi naman iyon ang ipinunta niya sa condo unit nito.

Umupo na lang siya para patahimikin ang alaga niyang nabubuhay sa pagtingin lang sa babaeng nakatayo sa pintuan.

He motioned her to come closer to him. Pinagmasdam din niya kung paano nito tanggalin ang sandals gamit lang ang paa. He gulped when he stared at her slender white legs. Alam niyang maganda talaga ang hugis at haba ng legs ni Mandy dahil hindi na niya mabilang kung ilang beses na niya 'yong nakita pero iba ang tingin niya ngayon dito.

EHS 4: His Seductive AffairWhere stories live. Discover now