CHAPTER 16

261K 5.9K 357
                                    

CHAPTER SIXTEEN


PINIPILIT ni Mandy na imulat ang mga mata at habol din niya ang hininga dahil sa sobrang pagod. Pawis na pawis siya at ang bigat-bigat ng loob niya.

"Please wake up."

May himig ng pag-aalala sa boses na narinig niya. Gusto niyang sumigaw pero wala namang lumalabas sa kanyang bibig.

"Mandy, baby, wake up."

Isa uling pamilyar na boses ang narinig niya na tinawag siya. Kanina pa niya hinihintay marinig ang boses na iyon. Sa kagustuhang makita ang nagmamay-ari ng boses ay pinilit niyang gumising at nilabanan ang sinuman na pumipigil sa kanya na huwag idilat ang mga mata.

Pinagpapawisan na rin ang kanyang noo at mahigpit na nakahawak ang magkabila niyang kamay sa bedsheet. Pilit niyang itinataas ang isang kamay at nagbabaka-sakali na mahawakan ang nagsasalita na alam niyang nasa tabi lang niya. Nawawalan na naman siya ng pag-asa dahil pagod na pagod na siyang labanan ang ano pa mang takot na nararamdaman niya.

"I'm here, baby. Please don't cry."

Naramdaman niyang pinupunasan nito ang mga luha sa pisngi niya na nagbibigay ng lakas at determinasyon sa kanya na labanan ang masamang panaginip. Muli nitong pinaglandas ang mga daliri sa kanyang pisngi. Hindi katulad kanina, mainit ang balat ng lalaki. Gusto niya ang pakiramdam ng pagdampi ng balat nito sa kanyang pisngi. Lumalakas ang loob niya dahil sa mga haplos na iyon.

Sana ay hindi siya nagkakamali, sana tama siya na kay Matthew ang boses at haplos na iyon. Ilan pang minuto ay pinilit niyang imulat ang mga mata. Medyo malabo pa ang paningin niya at nasisilaw siya sa ilaw. Pumikit-pikit siya at mayamaya lang ay malinaw na ang kanyang paningin.

Pagkamulat na pagkamulat ng kanyang mga mata ay ito agad ang hinanap niya, sabay mahigpit na niyakap.

"Buhay ka, baby, buhay ka," paulit-ulit na usal niya habang humihikbi.

Hinahaplos lang ni Matthew ang likod niya at hinalikan ang ulo niya.

"I'm so scared! Please stay with me, please huwag mo akong iwang mag-isa," tila naghuhuramentado niyang sambit.

Nanginginig pa rin siya sa takot. Ang higpit-higpit ng yakap niya kay Matthew.

Hindi pa rin nabubura sa isip niya ang demonyo sa bangungot na iyon. Kinilabutan siya nang bumalik sa imahe niya ang pananamantala sa kanya ng lalaki.

"I won't leave you I promise." Pinunasan ni Matthew ang luha niya at binigyan siya ng magaang halik sa mga labi. "Kanina pa kita ginigising dahil umiiyak ka habang natutulog." Pinupog nito ng halik ang mukha niya na tila ba inaalis n'on ang mga luha na naroon.

Kahit paano ay gumaan na ang loob ni Mandy. Nagpapasalamat siya nang sobra sa Itaas dahil hindi nito totoong kinuha ang lalaking mahal niya.

Pinainom muna siya ni Matthew ng tubig. Uhaw na uhaw siya na para bang tumakbo nang ilang kilometro. Unang beses niyang bangungutin at ayaw na niyang maulit muli iyon.

"Why are you crying?"

Kinuha niya ang kamay nito at niyakap uli. "Bad dream. Kinuha ka raw sa akin at may lalaking gusto akong pakasalan, 'tapos pinagnasaan pa niya ako at pinagsamantalahan."

His handsome face darkened, and he clenched his jaw. "Namukhaan mo ba ang gagong 'yon? Ipapahuli natin!" May himig ng galit sa boses nito at parang gusto na niyang umatras sa hitsura nito, para bang gustong pumatay na hindi maintindihan.

"Hindi, baby, kasi blurred ang mukha niya," mahinang sambit niya. "Huwag ka nang mag-alala, okay na ako."

Kumuha ito ng wet tissue. "Saan ka ba niya hinalikan?"

EHS 4: His Seductive AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon