CHAPTER 13

237K 5K 55
                                    

CHAPTER THIRTEEN


SINIMANGUTAN ni Mandy si Matthew dahil ayaw siya nitong papuntahin sa ibang bansa.

"Matagal ko nang pangarap iyon at ayokong sayangin ang chance na ibinigay nila sa akin."

Nag-offer kasi ang management na pagtrabahuhin siya sa London at isang taon ang contract niya roon. Kaya lang ay ayaw pumayag nitong isa.

"You can visit me there. Sige na, baby. Pumayag ka na please," pagmamakaawa niya.

Kanina pa siya nakakandong kay Matthew. Nasa bahay sila nito ngayon. Isang linggo na ang nakakalipas simula nang himatayin siya pero ngayon ay hindi na siya nakakaramdam masyado ng pagkahilo puwera na lang kapag mainit. Kaya madalas ay hindi na lang siya lumalabas.

"Masyadong matagal ang isang taon."

"Mabilis lang 'yon. Isa pa, hindi ka ba masaya na maaabot ko na ang isa sa mga pangarap ko? London, here I come!" Itinaas pa niya ang dalawang kamay at halata sa maganda niyang mukha ang excitement.

"Next year na ang eleksiyon and for sure sobrang busy na ako n'on, so paano pa kita mapupuntahan?"

Sumiksik siya sa leeg nito. "May Skype naman, baby."

He sighed. "Ayaw mo talagang magpapigil."

She nodded.

"Okay, pumapayag na a—"

Mabilis niya itong siniil ng halik sa mga labi hanggang sa lumalim ang halik na iyon at mag-umpisa nang maglakbay ang kamay nito sa iba't ibang parte ng katawan niya. Bahagya pa nitong pinisil ang balakang niya.

"Tumataba ka na. Kailangan mo nang mag-reduce sa pagkain ng French fries," he said.

Kinagat ni Mandy ang labi nito dahil inaasar siyang mataba. Napansin nga rin ng mga katrabaho niya ang pagbabago ng hubog ng kanyang katawan. Ang takaw-takaw niya kasi sa pagkain at sa tulog nitong mga nakaraang araw, 'tapos tinatamad siyang mag-exercise. Mas gusto pa niyang humilata sa kama maghapon.

"Pagbalik ko, mas sexy pa ako at sana pakasalan mo na ako no'n," biro niya na ikinatawa lang ng lalaki.

"Let's see." Gumapang ang kamay nito sa loob ng brassiere na suot niya. "And this, lumalaki rin lalo," he said while gently massaging her breasts.

Pinalo niya ito sa braso. "Pinipintasan mo na ako."

"Nagsasabi lang ako ng totoo." Itinaas nito ang suot niyang red sleeveless dress at hinalik-halikan ang dibdib niya. Napakapit siya sa ulo nito at isiniksik pa ang mukha nito sa malulusog niyang dibdib.

"Baby..." she uttered.

"Yes?" sabi nito habang busy ang mga labi.

"Gusto kong kumain uli." Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanya.

"Gutom ka uli?"

Tumango siya at inayos ang damit. Inabot niya ang telepono sa gilid nila at nag-dial ng number ng fast-food chain, sabay sabi ng mga order niya. Hindi mawawala ang French fries siyempre.

"Tomorrow na ang flight ko," sabi niya matapos um-order.

Hinahaplos ni Matthew ang tiyan at ang balakang niya. "Give me your complete address there. Papabantayan kita."

EHS 4: His Seductive AffairWhere stories live. Discover now