CHAPTER 14

249K 4.9K 195
                                    

CHAPTER FOURTEEN

HINAWAKAN ni Mandy ang kanyang walong buwan na tiyan at napangiti. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may buhay sa loob n'on.

Mabuti na lang at napakiusapan niya ang management na gawing isang buwan ang buong pictorial na gagawin niya dahil kung aabutin sila ng isang taon ay siguradong hindi na magkakasya sa kanya ang mga lingerie na imo-model.

Lumipat din siya sa Amerika para hindi malaman ni Matthew ang pagbubuntis niya. Alam niya kasi na pinapabantayan siya nito noong nasa London siya. Ayaw niyang malaman ni Matthew sa ngayon ang kalagayan niya dahil natatakot siyang baka hindi nito tanggapin ang bata sa kanyang sinapupunan. Madalas pa rin naman silang magtawagan. Kapag sa Skype ay mukha lang niya ang ipinapakita. Ang plano niya kapag nanganak na siya ay babalik na siya sa Pilipinas.

"Mandy, anak, kumain ka na muna bago tayo mag-shopping ng mga gamit ng first grandchild ko," wika ng mommy niya. May bahay kasi sila sa North Carolina. And thanks to her parents dahil tanggap na tanggap ng mga ito ang anak nila ni Matthew.

Actually, siya pa nga ang pinagalitan ng mga ito nang magdesisyon siyang huwag munang ipaalam sa senador ang pagbubuntis niya. Isa pa, sobrang busy ni Matthew ngayon dahil next five months na ang eleksiyon. He was running for the vice president position. Ipinagdarasal niya na manalo ito dahil deserve nito ang posisyon kaysa sa iba na pangungurakot lang ang alam gawin.

"Yes, Mom. Thank you."

Yumakap siya rito kasi naman ang mommy talaga niya ang umalalay sa kanya sa mga oras na kailangan niya ng makakausap. Lalo noong mga oras na hindi pa niya alam ang gagawin, 'tapos puro iyak ang ginawa niya dahil nanghihinayang siya sa trabaho na mawawala sa kanya. Hindi naman din niya kakayanin na mawala ang anak kaya heto siya ngayon, naghihintay na lang ng due date niya.

Pagkatapos maglambing dito ay napagpasyahan na niyang magbihis para makaalis na sila.

"Ayaw mo pa talagang malaman ang gender ng baby mo?" her mom asked her. Papunta na sila sa mall. "Ang laki-laki ng tiyan mo, anak, baka kambal 'yan."

Napasinghap siya. "Grabe, Mommy, baka magdilang-anghel ka. Dahan-dahan lang po sa pananalita."

Tumawa lang ito.

Na-excite tuloy siya bigla. Paano nga kung kambal ang anak niya? Matutuwa kaya si Matthew kapag nalaman ang balitang 'yon?

Muntik nang bilhin ni Mandy ang lahat ng gamit pambata kung hindi lang siya pinigilan ng mommy niya. Paano ba naman kasi, dala-dalawa ang pinamili niya para kung sakaling kambal nga ang anak ay pareho itong mayroon. Hindi malabo na magkaroon siya ng twins dahil sa side ng daddy niya ay may kambal din. Okay lang naman sa kanya kahit maging dalawa agad ang anak—anak nila ni Matthew.



"MOMMY!" malakas na sigaw ni Mandy. Wala siyang pakialam kahit mabingi pa ang mga doktor at nurse na nakapaligid sa kanya. "Puwede bang huwag na lang cesarean?" pakiusap niya dahil ayaw niyang magkaroon ng hiwa sa tiyan.

Paano pa niya maibabalandra ang katawan kung may hiwa sya?

Kaso hindi puwede dahil hindi raw niya kakayanin ang normal delivery sa kambal niya.

Mayamaya lang ay may itinurok na sa kanya kaya naman napapikit siya. Sige, para sa anak nila ni Matthew ay papayag na siyang magkaroon ng hiwa sa tiyan.

Kung ilang oras siyang tulog ay hindi niya alam dahil ginising siya ng mumunting iyak ng dalawang sanggol. Nagpapalitan lang ng pag-iyak ang mga ito. Nagmulat siya ng mga mata para makita ang siyam na buwan niyang inalagaan sa loob ng kanyang tiyan.

Maiyak-iyak si Mandy nang makita ang mga anak. Ganito rin kaya kasaya si Matthew kapag nalaman nito na may anak na ito at dalawa pa?

Nakangiti ang mommy niya na tila ba aliw na aliw sa mga apo nito. Lalaki at babae ang kambal. Nakakatawang isipin na parang hindi naman kambal ang mga ito dahil kamukha ni Matthew ang anak nilang babae at kamukha naman niya ang lalaki.

EHS 4: His Seductive AffairWhere stories live. Discover now