CHAPTER 1

298K 6.5K 989
                                    

CHAPTER ONE

TUTOK na tutok ang mga mata ni Mandy sa pinapanood. Si Matthew lang naman ang ini-interview kaya dapat marinig niya ang bawat sasabihin nito. Muli siyang kumuha ng ilang piraso ng popcorn at kinain iyon. Feeling niya yata ay nasa sinehan siya.

"How's Senator Stewart's love life?" tanong ng host.

Bahagya muna itong kumaway sa mga nanonood sa loob ng studio at agad namang nagtilian ang kababaihan. Kung artista lang si Matthew, baka dinumog na rin ito.

"I'm seeing someone now," nakangiting sagot nito. Sana tapunan din siya ng lalaki ng ganoong klaseng ngiti.

Sinupil niya ang ngiting gusto nang kumawala sa mga labi dahil sa sagot nito. I'm seeing someone now. It means siya iyon? Siya lang naman ang babaeng kasama nito bukod sa secretary nito. 'Yong babae sa bar ay business lang daw talaga, wala nang iba.

"Are you planning to court her?"

Umiling si Matthew. "No, she's already taken," wika nito na natatawa na kung titingnan mo ay parang nagbibiro lang.

But she knew very well that he wasn't. He wasn't joking because he was referring to Amber. Ang kaninang ngiti sa mga labi niya ay nawala. Akala niya ay siya na ang babaeng nakikita nito.

"That's sad," ganting biro ng host. "How about you being with Mandy Lane? The lingerie model."

Napatuwid siya sa pagkakaupo nang mabanggit ang pangalan niya. Hindi naman lingid sa kanya na pinag-uusapan sila ng lalaki sa social media at sa TV dahil may nakakakita sa kanila minsan kapag sa public place sila pumupunta. Marami rin talagang paparazzi na nagkalat.

Hindi nawala ang ngiti sa mga labi ng senador na ikinatuwa niya. Siguro ay aaminin na nito ang namamagitan sa kanilang dalawa.

"She's a good friend of mine."

Parang tinusok ng karayom ang isang bahagi ng puso niya sa sagot nito. "Friend? May magkaibigan ba na nagse-sex?" galit na tanong niya sa sarili at pinatay na ang TV, sabay ibinato ang remote.

Kinuha niya ang cell phone at tinext si Matthew. Halos masira na ang screen ng pobreng iPhone dahil sa madiin na pagpindot niya roon.

May magkaibigan ba na nagse-sex?

Sent. Kung ano ang sinabi niya sa sarili ay iyon din ang tinanong niya sa lalaki. Hindi na niya ito hinintay na mag-reply dahil baka mamayang gabi pa nito mahawakan ang cell phone dahil sa sobrang busy.



"NEW HAIR dye? Maganda pa naman itong kulay ng buhok mo, Miss Mandy," wika ng baklang hairstylist habang binubusisi ang maganda niyang buhok.

Pampawala ng stress kaya nasa salon siya ngayon. Nai-stress siya kay Matthew, kanino pa ba?

"Yes, I like the blonde and paki-curl na rin ang hair ko," maarteng saad niya at kinuha ang magazine sa harap niya.

Ibinalik niya iyon nang makitang si Axer ang cover. Not that she hated her friend, kaya lang ay nagsasawa na siyang makita ang kaguwapuhan nito. Si Matthew lang talaga ang gustong makita ng mga mata niya.

Hindi pinansin ni Mandy ang cell phone niya nang tumunog ang message alert tone. Siguradong manager niya iyon dahil hindi siya sumipot sa pictorial niya kaninang lunch. Itinuon na lang niya ang pansin sa bagong magazine na hawak dahil siya ang cover n'on.

"Ang sexy ko talaga," puri niya sa sarili.

Sinang-ayunan siya ng hairstylist at ginaya pa ang pag-pout ng mga labi niya sa larawan na ikinatawa na lang niya.

EHS 4: His Seductive AffairWhere stories live. Discover now