13: If You're Not Here

32 3 2
                                    




Track 13



Bakit? Bakit? Bakit?

Paulit-ulit na tanong ko sa isip ko habang nakatingin pa rin kay Mikkos. Hindi ko alam kung bakit ganito yung tanong ko kasi dapat 'anong nangyayare', eh.

I suddenly felt a lump in my throat and my heart is beating wildly. I don't even know why! Nanlamig din ang buong katawan ko. Para akong na-ice bucket challenge.

"Whoah, don't tell us may grudge pa rin kayo sa isa't isa?" Amused na tanong sa amin ni Blaine habang pabalik-balik ang tingin sa aming dalawa ni Mikkos. Maging ang iba naming mga kasamahan ay nakatingin na rin sa amin.

What the heck is going on?

Tumingin si Mikkos kay Blaine pero hindi siya nagsalita.

Wala rin naman akong masabi kaya hindi rin ako sumagot. Do I still have a grudge? Pero ni hindi ko nga naisip na paano nangyaring kaklase ko si Mikkos dati. At panong naging siya yung lampa-yatot na si Aaron? Imposible talaga!

"Mamaya na yan, kumain muna kayo." Cassy said.

"Oo nga pre, maya na ulit kayo mag-away. Sobrang na-miss nyo ba ang isa't isa? Walong taon na ah." Pang-aalaska ni Neil. Umiling lang si Mikkos saka naglakad papunta doon sa kabilang side ng table.

Nanatili akong nakatayo at hindi ko maiwasang isunod ang tingin ko sa kanya. Nilapitan niya yung mga kabarkada niya saka nakipag-fist bump sa mga ito. He smiled at them saka naupo sa tabi ni Kalix.

"Yo!" Napalingon ako kay Jansen nang nag-snap siya sa may mukha ko.

"Okay ka lang? Parang nakakita ka ng multo." He said while grinning.

Ngumiti ako ng pilit. Parang mas malala pa sa multo ang nakita ko. I wanted to say but I kept it to myself.

"Yeah, nagulat lang ako. I thought he wasn't coming." I mumbled saka ako umupo ulit at bumalik sa pagkain. Muli akong napatingin sa direksyon kung saan naupo si Mikkos. My breath hitched and I immediately looked away nang makita ko siyang nakatingin sa akin.

I could still feel my heart beating fast. Again, what sorcery is this?

_
_
_
_

We were done eating at kasalukuyan kaming nagkakantahan sa videoke. I mean, sila lang pala. Nakaupo lang kasi ako at nakikitawa sa mga kwentuhan nila. Nakapagpalit na rin kami ng mga damit.

Nasa may gazeebo ang karaoke set up at para kaming nasa isang bar dahil nagsimula na silang mag-inuman. Nakapaikot kami sa isang lamesa.

We're just around ten people here because the others were at the pool. Ako, sina Lawrenz, Jansen, Jaryl, Josh, Phil, Mikkos, Blaine, Cassy at Reese. Yup, nasa iisang lamesa kami ni Mikkos pero malayo naman siya sa akin.

The rest, nandoon lahat sa may pool which is just below. Nasa mababang bahagi kasi ang swimming pool. The resort is like in a slightly slope area. Sa harap ng gazeebo, may maliit na pond doon na umaagos pababa papunta sa swimming pool. It was like a mini water falls.

Tapos yung villas, ilang metro lang mula sa swimming pool. Yung parte ng connected veranda in between, nakatapat sa pool kaya kapag tumalon ka, sa tubig ang bagsak mo. Nakakatuwa yung landscape design. Ang galing.

EMILYWhere stories live. Discover now